XLVII

3.3K 191 7
                                    

" kung kaya ikaw ang aking inibig, yan ay kusang nadama at d ko pinilit. sa katunayan nga kahit sa panaginip laging na roon ka at d maalis " pagkanta ni Freya sa harapan ng tv

Nang mapansin nyang dumating si Hestia. Parang wala ito sa sariling napaupo sa sofa malapit sa kinatatayuan nya. Ibabalik na sana nya ang tingin sa harapan ng tv nang makita nyang napatakip ng kanyang mukha ang bagong dating na babae.

Nagkunwari syang hindi niya ito nakita pero nang marinig niya ang mahinang pag iyak nito ay napilitan syang i- off ang tv at umupo sa tabi ni Hestia

" Hindi ka naman ba pinansin ni pinsan? " pag usisa ni Freya

Hindi sumagot si Hestia

" pagpasensyahan mo na ugali nun, mabait naman si pinsan eh. Yun nga lang sakin lang at kay Mama lang lumalabas pagiging mabait nya " pagbibiro nya

Nang tinanggal ni Hestia ang kamay na nakatakip sa kanyang mukha at hinarap si Freya na nagulat naman nang makita ang babae na umiiyak

Nag palinga linga si Freya sa paligid, tinitingnan nya kung may tao

" bakit ka umiiyak? tahan na. baka bigla bumaba si Mama at sisihin pa ako dahilan ng pag iyak mo " may pag alalang sabi ni Freya

" I dont want this love to be burdensome " lumuluhang wika ni Hestia

" I want to wait for your cousin " pag amin niya

" I'm ready if our story never ends happily. handa ako sa lahat ng pwedeng mangyari "

Hindi alam ni Freya kung ano magiging reaksyon nya sa narinig. matutuwa ba sya? o makikiiyak?

Matutuwa kasi sa wakas umamin na si Hestia na may gusto ito sa pinsan nya, o makikiiyak kasi naaawa sya dito?

Haist

Mababaw pa naman ang luha nya pagdating sa ganitong bagay

Kagaya ng ginagawa ng lahat sa tuwing may umiiyak, niyakap nya si Hestia

" kaw naman kasi eh. Sa lahat ba naman kasi ng magugustuhan mo eh yung pinsan ko pa na may pusong bato " pagpapatawa nya

" don't worry, kakausapin ko bukas sa school si pinsan " pagpapatahan nya sa babae

" No! " sigaw ni Hestia at lumayo kay Freya

" Ha? "

" don't do that " at umiling

" akala ko ba gusto mo sya? " may pagtatakang tanong ni Freya

" Yes. But like i said i dont want this love to be burdensome. My feelings matter, its my business. " paliwanag ni Hestia na ngayon ay tumigil na sa pag iyak

" So wala kang gagawin para maging kayo ng pinsan ko? " taas kilay na tanong ni Freya

Hindi sumagot si Hestia

" Ano kakanta na lang ako sa gym ng pasulyap sulyap ka sa akin at patingin tingin sakin ganun? "

-

My Ace Princess: Antidote Wong Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα