LVIII

3.1K 197 18
                                    

" wala pa bang balita kay Layla? " naiinip na tanong Charlene sa kakagising lang na kapatid

" wala pa "

" Ano ba yang anak mo? hindi naman yata nya ginagawa ang trabaho nya " reklamo ni Charlene at uminom ng wine

" Ikaw na nga ang tinutulungan ng pamangkin mo, ikaw pa ang may ganang magreklamo " sabay kuha ng wine na iniinom ng kapatid at nilagay ito sa sink

" Para kasing wala ng nangyayaring maganda kuya "

" Sis, if you just used your brain? Deanna wouldn't stay away from you " sermon ni Charles sa kapatid

" Ano pa ba ang gusto nya? Binigyan ko sya ng anak at kaya ko naman ibigay sa kanya ang lahat ah " d maintindihang wika ni Charlene

" Really? Baka nakakalimutan mong may asawa ka na iniwan sa amerika? " sarkistong tanong ni Charles

" Alam mo kuya nakakainis ka! Bakit mo pa pinaalala sakin ang lalakeng yun? " galit nyang tanong at kumuha ng panibagong wine

" Kasi asawa mo sya "

" Hindi ko naman sya minahal " giit naman nya sa kapatid at ininom ang baso na may lamang wine

" Bakit hindi mo kasi sinubukan? " inosenteng tanong ni Charles

" Akala ko ba tinutulungan mo ako? " inis na tanong ni Charlene

" Sis, kampi ako sayo.. pero kasi habang tumatagal lumalabo ang chance na makuha mo si Deanna "

" Kuya makukuha ko sya " pursigido naman nyang sagot

" Ngayon pa na tanggap na ni Jema ang anak nyong dalawa? " naiiling na tanong ni Charles

" Makukuha ko sya, gamit ang anak nya " may ngiting sagot ni Charlene

" Si Jaden? I dont think so " d kumbinsidong sagot ni Charles

" Si Antidote " seryosong sagot ni Charlene

" Huh? " kunot noong tanong ni Charles

" Makukuha ko si Deanna, through Antidote "

" At pano mo naman gagawin yun? Anak sya ni Jema remember? "

" i have my ways Kuya " sagot ni Charlene at ngumiti ng nakakaloko

-

" Hindi nyo na ba talaga hihintayin ang mga kapatid mo? " tanong ng Mommy ni Deanna

" Mom, weekend lang po tlaga kami dito.. gustuhin man namin na magtagal pa hindi pwede kasi marami pa kaming commitments na naiwan sa manila.. at nag aaral pa ang dalawa nyong apo " paliwanag nya sa Ina

" Ma miss kita alam mo ba yun? " malambing na tanong ng matanda

" Alam ko " sagot ni Deanna sabay ngiti

" Anak sorry ha? "

Napakamot ng kanyang kilay si Deanna

" Mom okay na "

" hindi okay.. kasi dapat humingi ako ng tawad sayo " paliwanag ng matanda

" Wala na po tayo magagawa dun Mom " sagot naman ni Deanna

" Alam ko.. pero 16 years Deanna.. ganun ka tagal na nawala ka samin ng Daddy mo.. hindi mo lang alam kung gaano kami nagsisi sa mga nagawa namin.. "

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now