IX

5.1K 237 41
                                    

" Where have you been? " takang tanong ni Luigi at tumingin sa pinanggalingan ni Deanna

Hindi sya kinibo ng babae dahil diretso lang itong pumasok sa loob ng kotse kaya sumunod naman si Luigi

" May binili lang ako pagbalik ko wala ka na, pano kung makita ka ni Jema " paalala ng lalake

" Nagkita na kami " wala sa sariling sagot ni Deanna

Nabigla si Luigi sa sagot nito

" So w-what happened? "

Nagkibit balikat lang si Deanna

" Are you okay? " may pag aalalang tanong ng Lalake

" ayaw nyang makita ko ang anak ko "

Natahimik sya sandali bago nagsalita ulit

" Well, ganun tlaga ang isasagot nya kasi ngayon ka lang ulit nagpakita " buntong hiningang sagot ni Luigi

" hindi ako bumalik dito para sa wala " seryosong saad ni Deanna

" So what's your plan? "
.
.
.
.
.
.
Mugto ang mga mata ni Jema na pumasok sa malaking bahay. Pagbukas nya ng main door ay sinalubong sya agad ng kanyang Ina na nag aalala

" Jema " at niyakap ito

" Ma ano nangyayari sayo? " d maintindhang tanong ni Jema habang nakayakap sa Ina

" Akala ko kung napano ka na " sagot ng Ina tsaka bumitaw sa pagkakayakap sa anak

" Anong napano? Mama naman nag iisip kayo ng kung ano ano, ang puso nyo " saway ni Jema

Kumunot ang noo ng Ina ng makita ang mukha ng anak

" Bakit parang mugto ang mga mata mo anak? " at hinawakan ang pisngi ng babae

Umiwas ng tingin si Jema

" Wala po ito Mama " sagot nya sa matanda

" Parang alam ko na " wika ng kanyang Ama at may pinakita sa kanyang cellphone kaya napatingin din ang Ina nya dito

" Bumalik na sa Pilipinas si Deanna? Kaya pla kanina pa ako hindi mapakali at kinakabahan " saad ng kanyang Mama sabay hawak sa kanyang kaliwang dibdib

Hindi nagsalita si Jema

" Nagkita ba kayo? Kaya mugto yang mata mo? " tanong ng kanyang Ama

" Pa "

" Sagutin mo ang tanong ko Jema " striktong wika ng kanyang Ama

Napayuko Siya

" Opo nagkita na kami " kagat labing sagot ni Jema

Nagpalitan ng tingin ang matandang mag asawa

" Ano ang pinag usapan nyo? " kalmadong tanong pa nito

" T-tungkol po sa anak namin "

" Bakit kukunin nya ang apo ko? " gulat na tanong ng kanyang Ina

Umiling si Jema

" Hindi po, gusto nya lang makita "

" Pumayag ka ba? " tanong ng kanyang Ama

" Hindi po Pa " tipid nyang sagot

Napatango ang kanyang Ama

" Sige na magbihis kna anak " malambing na wika ng kanyang Ina sabay hawak sa balikat nito

" Si Antidote po? " pag iiba nya sa usapan

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now