XXI

5.2K 254 58
                                    

" Water " offer ni Deanna

" Hindi ako nauuhaw " malamig na sagot ni Jema na ang tingin ay nasa mga players nya ginagawa ang punishment sa ilalim ng init ng araw

" Sandwich "

" Busog ako " sagot ni Jema na hindi man lang siya tinapunan ng tingin

" Kiss, you like? "

Sinamaan naman sya ng tingin ni Jema

" Towel na lang, pinagpapawisan ka dahil sa init eh " sabi na lang ni Deanna

" Let me- "

" Ako na " pagputol ni Jema sabay agaw ng hawak na towel at pinunasan ang sariling pawis habang nakatingin ang asawa

Sa bawat galaw ng kamay ni Jema ay nakatitig naman ang mga mata ni Deanna sa kanya, nakapikit pa ito habang pinupunasan ang bawat parte ng kanyang mukha hanggang sa umabot na ito sa kanyang leeg

Napalunok si Deanna, nang biglang nagmulat ng mata si Jema

" Ano problema mo? " tanong niya sa nakatingin na babae

" Ha? "

" Tinitingnan mo ako? " tanong pa ni Jema

" Hi-hindi...y-yung towel tinitingnan ko, cute ka-kasi ng kulay " nauutal na sagot ni Deanna sabay punas ng namamawis nyang noo

Tinaasan sya ng kilay ni Jema, halatang hindi sya naniwala sa sagot ni Deanna. At nang ipapasok na nito ang towel na hawak sa bag na dala nya kanina

" Wait! " papigil ni Deanna

" Bakit? "gulat na tanong ni Jema

" Sakin na ang towel " sagot nya

" Sigurado ka? "

" Oo, kasi pinagpapawisan din ako eh " napalunok na sagot ni Deanna at kinuha ang towel

" Nagamit ko na yan " at akmang aagawin ang towel pero nilayo ito ni Deanna sa kanya

" Kahit na nagamit mo na, mabango pa rin naman " tsaka inamoy ni Deanna ang towel bago pinunas sa kanyang mukha tsaka ngumiti

Namula si Jema sa ginawa ni Deanna, kaya agad syang napaiwas ng tingin at inatupag ang kanyang mga players

---

" Pinsan! "

" Ganyan ba tlaga kalakas boses mo? " iritang tanong ni Hera habang kinakabit ang hawak na volleyball net

" Bakit may reklamo ka? " pagtataray ni Freya

" Para ka tlagang si Coach " naiiling na sagot ni Hera

" Si Mama? " kunot noong tanong ni Freya

" Eh sino pa ba? pwede namang si Hestia baby ko bakit ikaw pa? asar!!! " at sinipa ang bola na malapit sa kanya

" Anong ako pa? Ano naman ba pinagsasabi mo dyan? "

" Sinasabi ko lang naman, kung bakit ikaw pa ang naging partner ko? " at tinalikuran ang babae

" Ano?!!! Tayong dalawa ang mag partner?!! " hysterical na tanong ni Freya

Napapikit si Hera at tinakpan ang kanyang tenga bago nilingon ang babae

" Parang mega phone tlaga ang bibig mo, bakit hindi ka gumaya sa pinsan mo na tahimik lang kaya maraming nagkakagusto.. unlike you na kahit isa wala " nabbwesit na wilka Hera

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now