X

5.6K 231 51
                                    

" Ok, call me pag dumating sya dyan sa bahay nyo " at pinutol ang tawag

" Anong sabi ni Mafe? "

" Wala pa sya dun Ma " buntong hiningang sagot ni Jema

" Pinatawagan mo ba kay Freya? " tanong pa ng kanyang Ina

" Opo pero kahit sya hindi sinasagot ni Antidote ang tawag nya " malungkot na sagot ni Jema

" San naman kaya nagpunta ang batang yun " namomoblemang saad ng matanda

" Aalis po muna ako Ma " pag paalam ni Jema

" San ka pupunta? "

" Hahanapin ko po ang anak ko, hindi po ako pwedeng tumunganga dito Mama.. pakisabi na lang po kay Papa " at umalis na si Jema
.
.
.
.
.
" sigurado ka ba na hindi tumawag sayo ang pinsan mo? " tanong ni Mafe sa anak

" Mama naman magsisinungaling ba ako sayo? Ako pa ba? " parang batang wika ni Freya

" Kilala kita Freya, ang loyalty mo nasa pinsan mo at hindi sakin " sagot naman ni Mafe at dumiretso sa kusina

" Si Mama tlaga sinabi ko na nga po na hindi ko alam, kahit ako nag aalala ehh... ano ba " at umupo sa sofa sabay kalikot ng kanyang cellphone

" Bakit kasi basta umalis na lang yang pinsan mo? " tanong ni Mafe habang isa isang nilalabas ang mga ingredients na lulutuin nya para hapunan nilang mag ina mamaya

" Baka nag away na naman po sila ni Tita jema, eh dba ganun naman po si pinsan? nawawala na lang bigla swerte na lang po kung tawagan nya ako " sagot ni Freya na ang atensyon ay sa nilalaro nito sa cellphone

" May alam ka ba kung san pwede pumunta pinsan mo? " tanong ni Mafe

" Sa complex lang naman po kami madalas magpunta pag ngkaka problema sila ni Tita Jema " sagot ni Freya na hindi man lang tinapunan ng tingin ang nagtatanong Ina

" Okay sige samahan mo ako pupunta tayo ng complex " at naglakad palapit sa anak

" Ngayon na Ma? " tanong ni Freya sabay tingin kay Mafe

" Oo bakit ayaw mo bang sumama? "

" Eh Mama akala ko ba magluluto na po kayo? " nkangusong saad ni Freya

" Hindi ka ba nag alala sa pinsan mo? Baka may masamang nangyari na dun " nakapameywang na sabi ni Mafe

" Naku Mama walang masamang mangyayari dun, kaya na nya ang sarili nya " pagsisiguro ni Freya

" Pano ka naman nkakasiguro? Eh maraming halang ang bituka dito sa Manila " taas kilay na tanong ni Mafe

" Girls scout ata si Pinsan, laging handa " proud na wika ni Freya at tsaka tumawa ng malakas

" Freya seryoso ako " pagbabala ni Mafe

Bumuntong hininga naman si Freya dahil nakatitig na ng masama ang kanyang Ina

" Si Mama tlaga.. oo na nga sasamahan na kita, baka mawala kpa ehh... " at tumayo na siya tsaka umakyat sa kanyang kwarto para magbihis
.
.
.
.
.
Nasa loob ng kanyang kotse si Jema habang kausap sa kabilang linya ang kapatid

" Sigurado ka? "

" Oo Jem, nandito kami sa complex ngayon ni Freya pero wala dito ang anak mo " sagot ni Mafe sa kabilang linya

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now