XXIII

5K 251 52
                                    

" Wow naman sa effort Kuya Ate "
habang pinapanuod si Deanna na naghahanda ng kanilang kakainin

" Naks! chef na chef ang dating, yan ba ang nagagawa ng pagtira mo sa Japan? " pagbibiro ni Mafe

" Nag part time ako sa isang resto sa Japan, so yes " sagot ni Deanna

" Anyare at mukhang nagbago ang ihip ng hangin? " usisa ni Mafe

" Bakit? masama ba kung ipagluto ang mag ina ko? " tanong ni Deanna habang nililipat sa malaking lalagyan ang niluto nyang pasta

" hindi na masama, pero bakit kailangan nandito kami ni Freya? "

" kasi kasama kayo sa plano " sagot ni Deanna

" Plano? Anong plano? " kunot noong tanong ni Mafe

" Malalaman mo rin mamaya " makahulugang sagot ni Deanna

---

" Surprise!!!! " sigaw ni Mafe at Freya nang makita si Jema

" A-ano to? " naguguluhang tanong nya nang makita ang nakahandang pagkain sa lamesa

" Jem naman! hello pagkain d mo ba nakikita? " sarkistong tanong ng kapatid

" Oo nga pero bakit maraming pagkain? Ano okasyon? " nagtataka nyang tanong

Nang biglang lumapit si Deanna kay Jema

" Hindi kasi natuloy ang pag celebrate natin the other day kaya heto, kesa gumastos pa tayo sa labas dito na lang tayo mag celebrate sa bahay, tayong Lima " sagot ni Deanna

" Lima? "

" Pinag day off ni Kuya Ate ang mga maids pati drivers, at body guards mo " sagot ni Mafe sa kapatid

" Ginawa mo yun? Eh sinong- "

" Ako.. ako lahat gagawa " mabilis na sagot ni Deanna

" Sigurado ka? " tanong nya pa ulit

" Y-yeah.. " at tumango si Deanna

" O-okay "

" Morning Mom " at hinalikan sya ni Antidote sa pisngi na labis ikinagulat ni Jema

" Oh natulala ka na dyan, hinalikan ka lang ng anak mo " natatawang komento ni Mafe

Hindi pa rin nakakibo si Jema

" Jem anak mo yung humalik sayo, hindi si Kuya Ate para matulala ka dyan "

" First time akong halikan ng anak ko " wala sa sariling wika ni Jema sabay hawak sa kanyang pisngi

" Sanayin mo na sarili mo kapatid, kasi mukhang magkasundo naman ang mag ina mo " at pinanuod ang ginagawa ni Antidote na paglalagay ng mga pinggan sa table habang nasa gilid naman nya si Deanna at tinuruan sya

" Morning Tita Jema " bati ni Freya at humalik sa pisngi ni Jema

" Wife let's eat "

" Uhmm...okay " at lumapit na sa lamesa

Nang makaupo si Jema ay pinagsilbihan sya ni Deanna

" Ikaw nagluto? "

" Wag kang mag alala, walang gayuma yan " sagot ni Deanna at ngumiti

" Pakabusog ka " at hinalikan sya pisngi

---

" Langhiya Kuya Ate ito pla plano mo " reklamo ni Mafe habang nililinisan ang kotse ni kapatid

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now