XIX

5.5K 248 66
                                    

" Balita ko maghahanap ka daw ng trabaho? " tanong ng Papa ni Jema habang magkaharap silang nakaupo sa sofa

" Opo " d kumportable nyang sagot

" Ayaw mo ba na mag business na lang dito? siguro naman may ipon kna sa tagal mo sa ibang bansa " wika pa ng matanda

" Uhm.. hindi po kasi ako mahilig sa business " magalang na sagot ni Deanna

" Ahh ganun ba? kung gusto mo ng trabaho kay Jema ka na lang pumasok para mas malapit sa anak mo " suggest pa nya sa babae

Napilitang ngumiti si Deanna dahil sa sinabi ng matanda

" Jem paki sampal nga ako, hanggang ngayon kasi hindi ko maitindhan bakit nangyayari to eh " naiiling na sabi ni Mafe habang nakatayo silang magkapatid at nakatingin sa mga nakaupong nag uusap

" Kahit ako Mafe hindi ko alam ang nangyayari " sagot naman ni Jema sa babaeng katabi

" Hindi kaya nagka amnesia ang mga magulang natin? " tanong pa ni Mafe

" Tlagang naisip mo pa yan ah " sabay tingin ng masama sa kapatid

" Malay nga natin kasi sa nakikita natin ngayon lahat posible lalo matanda na sila, o di kaya bka alzheimer " dahilan naman ni Mafe

" Hindi magandang biro yan " saway nya sa kapatid

" Pasensya na.. naguguluhan na ako eh "

" Jema " tawag ng kanyang Ama

" Oh tawag ka ni Papa " at mahinang tinulak ang kapatid

" Bakit po? " nang nakatayo na ito sa tabi ng matandang lalake

" Total nandito na rin lang naman tayong lahat, bakit hindi mo tanungin si Deanna kung papayag ba siya na dito na tumira sa bahay natin " wika ng kanyang Ama dahilan para mapatingin si Jema kay Mafe

" may nasabi ba akong masama? "

" Wa-wala naman po Papa kaso lang po- " may alinlangang wika ni Jema

" Malaki naman ang kwarto mo pinalakihan mo nga dba? Para kung sakaling may bumalik- "

" Pag uusapan po namin yan mamaya Papa " pagputol nya sa sasabihin ng Ama

" At ang tungkol sa paghahanap ni Deanna ng trabaho, ikaw na sana ang bahala Jema " sabi naman ng kanyang Ina

" Opo Ma " sabay tango nya at bumalik sa tabi ng nakatayong kapatid

" Jem ang weird tlaga ng parents natin today " komento ni Mafe

" Yun nga ehh hindi ko na sila matindihan, parang may iba " sagot naman ni Jema

" Kailan pa sila naging close na tatlo? Nakakaloka.. hindi ako sanay na ganito sila ka pormal mag usap, nasanay kasi ako na galit si Papa at si Mama naman ay naka suporta sa kanya, habang pinagtutulungan nila si Kuya Ate "

" Ihatid ko na sya pagkatapos nilang mag usap " wika ni Jema

" Pano ang pagtira niya dito? " tanong ni Mafe

" bukas ko na lang sya kakausapin, biglang sumakit ang ulo ko sa nangyayari " problemadong sagot niya sa kapatid

---

" Team Captain Tamara Galang, are you sure w/ this Ms.Wong? " tanong ni Father kay Antidote sa loob ng opisina

" Yes "

My Ace Princess: Antidote Wong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon