" bakit mo kami gustong tulungan? " tanong ni Mafe
" gusto ko lang makabawi " sagot naman ng kausap nya
" bakit ngayon lang? " nagdududa nyang tanong
" importante mo pa bang malaman kung bakit? "
" oo, kasi baka kasi nagpapanggap ka na kampi ka samin, yun pla kasabwat mo si Charlene " madiin nyang wika
" past na yun, pwede ba mag move on na tayo? " pakiusap naman ng babae
" move on? pagkatapos ng paghihirap ng kapatid ko ng hiniwalayan nya si Kuya Ate at palakihin nya ng mag isa ang pamangkin ko sasabihin mo sakin yan? " d interesadong saad ni Mafe
" hindi naman kasi dapat hiniwalayn ng kapatid mo si Deanna dahil lang sa may anak sya sa iba " paliwanag ng kausap
" ngayon pinagtatanggol mo ang ginawa nyong kahayupan ng babaeng yun? " dismayadong wika ni Mafe
" totoo naman kasi ang sinasabi ko, kung mahal nya bakit niya hiniwalayn, bakit nya mas piniling iwan? "
" ikaw ba? Bakit mo mas piniling iwan kami ng anak mo? " ganting tanong nya sa kausap
Hindi naman ito nakasagot
" see? natameme ka ngayon, hindi mo nga masagot ang tanong mag eexpect ka pa na matatanggap ng kapatid ko ang nangayri sa kanila ni Kuya Ate noon? "
" iba namang ang problema nila, iba naman ang satin " giit ng kausap ni Mafe
" oo nga pla, iba ang sa kanila kasi si Kuya Ate yung hinahabol, habang sa atin naman ikaw ang naghahabol "
-
" Galanza san si Coach? " tanong ni Tara
" ewan ko " sagot ni Freya
" ewan mo? Eh dba nanay mo sya? " tanong ni Eania
" nanay ko nga pero may sariling isip naman yun noh " pairap nyang sagot
" bakit nyo ba hinahanap si Coach? " tanong ni Nicolette
" kasi isusumbong lang namin si Zendra " sagot ni Tara tiningnan ang isang kateammate na tahimik namanng nakatayo
" bakit ano naman ginawa nya? " tanong ni Freya
" nagdala ba naman ng lalake sa dorm " sagot ni Jona
" ano?! "
" lagot tlaga sya kay Coach nyan " may pagbabantang wika ni Nicolette
" sino ba yung lalake? " pag usisa ni Freya
" boyfriend nya " sagot ni Jona
" boyfriend pla nya, anong masama dun? " tanong naman ni Freya
" hindi mo ba alam na pinag babawal na magdala ng lalake sa dorm " paalala ni Tara
" malay nyo bakla yung boyfriend nya " kibitbalikat na sagot ni Freya
" magdadahilan pa " komento ni Tara
Nang makita nila si Mafe na papunta sa kinaroroonan nila at may kasama
" Si Coach "
" sino ang kasama nya? " tanong ni Jona
" ang ganda "
" oo nga " pag sang ayon ni Nicolette
" parang familiar ang mukha nya " wika naman ni Freya