VII

5.7K 265 82
                                    

Pababa ng hagdan si Antidote nang bigla syang sinalubong ng kanyang Lola

" Apo papasok kna ba? "

Tumango si Antidote

" Kumain ka muna, paborito mo ang niluto namin " malambing na wika ng Lola nya

" Sa school na lang " at hinalikan sa pisngi ang matanda at lumakad na palayo. Pero bago pa sya nakalayo ay nagsalita ulit ang matanda

" Apo na mi miss ka na namin ng lolo mo, matanda na kami para mag alala at humingi ng oras mo " malungkot na saad nya sa kanyang Apo

Huminto si Antidote sa paghakbang nang marinig ang sinabi ng kanyang lola, kaya nagdesisyon syang bumalik at sumama sa kanila kumain ng breakfast

Napangiti ang matanda ng makita na bumalik ang apo kaya niyakap nya ito

" Mahal tlaga ako ng apo ko "

Pinaghila sya ng upuan ng matanda pagkatapos umupo ay pinag silbihan pa sya nito

Bacon, Egg, Pancakes, Fried Rice & Beef Steak ang nasa lamesa

Pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato ni Antidote ay nagsimula na silang kumain, at habang kumakain biglang dumating si Jema

" Ma tumawag ba sayo si- "

Nahinto si Jema sa pagsasalita nang makita si Antidote na kumakain kasama ang kanyang mga magulang

Kilala nya ang anak nya, hindi ito nag breakfast dito sa bahay, madalas sa labas na ito kumakain

Hindi man lang sya tinapunan ng tingin ni Antidote, patuloy lang ito sa pagkain

" Oh Jema kumain kna, tabihan mo na anak mo " utos ng kanyang Ama

" S-sige po " pagpayag ni Jema at umupo malapit sa tabi ng anak

Kumuha na sya ng bacon at Rice, tsaka nagsimulang kumain.

Habang kumakain napansin nya ang walang lamang baso ng anak, kaya nilagyan niya ito ng gatas bago pinagpatuloy ang pagkain

" Ano ba tinatanong mo Jema kanina? " tanong ng kanyang Mama

" Si Mafe Mama, itatanong ko lang sana kung tumawag sya " sagot ni Jema

" Hindi ba kayo nag usap kagabi? " tanong naman ng kanyang Papa

" Maaga po kasi ako natulog kagabi " pagdahilan ni Jema na panay tingin sa katabing anak

" Bakit gusto mong kausapin kapatid mo? May nangyari ba "

" May sasabhin daw po sya sakin " sagot nya pa at nilingon ulit ang anak pero nakatayo na ito

" I'm done " humalik sya pisngi ng kanyang Lolo at lola. at nang dumaan sya sa tabi ni Jema

" Bye " nilampasan nya lang ito

Napahigpit ng hawak si Jema sa kubyertos habang tinatanaw ang papaalis na anak

Nagpalitan naman ng tingin ang matandang mag asawa bago pinagpatuloy ang pagkain nila
.
.
.
.
.
" Love you Mom " at in end ang call

" Mommys boy ka tlaga Hermes nakakasuka " komento ni Maruis

" Ako lang ba? Gusto mo isumbong kita kay Tita Majoy? " ganting kantyaw naman ni Hermes sa kaibigan

" wag na kayong mag away pareho lang naman kayong mommys boy " sabi naman ni Ishtar

" Can someone explain to me, what are we doing here? " tanong ni Hestia sa mga kasama, nandito kasi sila ngayon sa may hallway nakatayo at parang may hinihintay

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now