XVII

7K 283 163
                                    

" So ikaw na ngayon ang naghahabol kay Kuya Ate? " komento ni Mafe nang makita ang kapatid na pababa ng hagdan

" Mafe isara mo nga yang bibig mo kung wala kang magandang sasabihin " sagot ni Jema sabay upo sa sofa at uminom ng kape na iniabot ng maid sa kanya

" isang araw lang galit na galit ka dun sa tao, ngayon aba bigla na lang na gusto mo syang makita " naiiling na wika ni Mafe

" Alam mo naman ang dahilan dba? " sagot naman ng isa at iniabot ang papers na kailangan sa office. Si Mafe muna ang inutusan nya na makipag meet sa suppliers nya today habang inaatupag nya ang sa kanila ni Deanna

" Ang hirap naman kasi ng gusto mong mangyari " giit naman ng kapatid

" Anong mahirap dun? Totoo naman lahat ahh.. except lang sa pagpapanggap na kami na ulit " kaswal na sagot ni Jema

" Yan nga ang ayaw nya, bakit kasi kailangan magpanggap kung pwede nyo namang tototohanin? " sarkistong tanong ni Mafe kaya napailing naman ang kaharap

" Ay naku! yan ang hindi na mangyayari "

" Asus! aminin mo.. malakas pa rin ang appeal ni Kuya Ate, at maganda pa rin sya " natatawang sagot naman ni Mafe

" Sinabi ko bang pangit sya? " masungit na tanong naman ni Jema at inasikaso na ang dadalhin

" Hindi nga.. pero ramdam ko affected ka pa rin, yung mga pasulyap sulyap na tingin mo kahapon sa loob ng kotse wag ako Jessica Margarett! " pairap na wika nya dahilan para mabato sya ni Jem ng hawak na folder

" Yang bibig mo ha, hindi mo na nga ako tinatawag na Ate kinumpleto mo pa pagtawag ng pangalan ko, ang sama mo "

" So ako pa ngayon ang masama? tinutulungan na nga kita ehh, and bakit ba ayaw mo tinatawag kita ng Jessica Margarett eh pangalan mo naman yun " nakangusong sagot ni Mafe

" Ewan ko sayo.. kausapin mo sarili mo, Alis na ako " at tumayo na si Jema

" Ikaw na bahala sa opisina ha? and please lang be professional " pakiusap nya sa kapatid

" Sigurado ka ba dyan sa gagawin mo? "

Kailangan kong suyuin ang babaeng yun para sa anak ko " tila napapagod na sagot ni Jema

" Gusto mo samahan kita? " offer ni Mafe at sabay ngisi

" Wag na, baka kasi kung ano na naman lumabas sa bibig mo at mapa subo na naman ako " sagot ni Jema at lumabas na ng pinto ng bahay

---

Nasa loob ng kotse si Jema at hinihintay ang paglabas ni Deanna ng building, nang makita nya ito

Mabilis siyang bumaba sa sasakyan

" Deanna "

Nilingon sya ng babae at nang makita sya nito ay nagpatuloy ito sa paglakad

" Deanna naman... "

Huminto ito sa paglakad at hinarap si Jema

" Ayoko " sagot ni Deanna

" Ano ba! Naghintay ako na sagutin mo ang mga tawag ko kagabi, at ngayon naghintay ako sa labas ng building na tinitirhan mo tapos yan lang ang isasagot mo sakin? " naiinis na tanong ni Jema

" Anak natin si Antidote " giit ni Deanna

" Kaya nga ginagawa ko to dahil anak natin sya, hindi mo ba naiisip na nilunok ko na ang putang inang pride ko para sa kanya? para makita ko lang syang masaya? " bulyaw ni Jema sa babae

My Ace Princess: Antidote Wong Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin