XVI

5.7K 249 62
                                    

" Pinsan hindi ka na virgin?! "

Naagaw ng dalawang babae na kalalabas lang ng kwarto ang atensyon ng lahat

" Not anymore " proud na sagot ni Allison

" Huhuhu.. pinsan naman, bakit sinuko mo agad? " at pinaghahampas sa balikat si Antidote nang biglang pumagitna si Alison

" Freya pananagutan ko naman siya, relax... " natatawang sabi nya dito

Tinitigan naman ng masama ni Antidote si Ali, pero ginantihan lang sya ng isang matamis na ngiti ng babae na para bang walang nangyari

Sa loob ng kwarto

Hindi pa rin natigil si Freya sa pangungulit kay Antidote

" Pinsan ano kasi nangyari? Totoo ba tlaga yun? "

" Wala nga.. " sagot ni Antidote sabay off ng ilaw sa loob ng banyo

" Eh bakit ka nag to-toothbrush kung wala? " inosenteng tanong ni Freya na nakasunod sa pinsan

" I do this every night before going to bed, okay? Palibhasa kasi hindi ka nag to-tootbrush bago matulog " sagot ni Antidote at humiga na sa kama

" Uyy.. nag to-toothbrush kaya ako, after ko kumain ng chocolate " depensa ni Freya sa sarili

Pero hindi na sya kinibo ni Antidote

" Pinsan naman ehh.. Hindi kna ba tlaga virgin? Sagot na kasi " pangungulit ni Freya at humiga na rin sa kama

" Lasing ka... kaya matulog ka na "

" Tsk.. whatever you say, pero bukas hindi na ako lasing kaya magkwento ka " pangungulit nya at ginalaw pa ang tenga ni Antidote

" Night " sagot na lang nya kay Freya at pinikit ang mga mata

" Pinsan " pangungulit nya ulit

" Hmmmmm "

" Ano tingin mo kay Allison? " tanong ni Freya

Walang sagot

" Pinsan " sabay yogyog sa katabi

" Freya inaantok na ako " sagot ni Antidote

" Pinsan naman, sagutin mo lang to titigil na ako pagkatapos " pagkulit nya pa

" Bad Influence " sabay talikod kay Freya

Bigla naman itong natawa sa sagot ni Antidote

" Akala ko sasabihin mo good kisser " pagbibiro nya bago tuluyang pinikit ang mga mata para matulog

Valdez Residence

" Thank you po Manang " pagpasalamat ni Ponggay at pilit na ngumiti

Nakaupo sila sa harapan ng lamesa para sa kanilang breakfast, pero dahil sa kakaisip sa mga nawawala nilang mga anak, walang ni isa man sa kanila ang gumalaw ng mga hinandang pagkain ng mga maids.

" Kumain na kaya ang mga bata? " wala sa sariling tanong ni Jho

Napatingin saglit si Alyssa sa kanya, bago binalik ang tingin sa mga nakahaing pagkain

" Wala pa ba tlagang balita sa mga anak natin Ate Ly? " Tanong ni Bea

Umiling sya.

" I'm hungry, pero wala tlaga akong gana.. " matamlay na wika ni Ponggay sabay buntong hininga

My Ace Princess: Antidote Wong Donde viven las historias. Descúbrelo ahora