LIX

3.2K 206 15
                                    

" Ugh Dean! pinagod mo ako sa mga sets mo " hingal na reklamo ni Maddie

" Hindi kami makasabay ni Bea " dagdag pa nya habang umiinom ng tubig sa kanyang tumbler

" Kasalanan ko ba? " mayabang na tanong naman ni Deanna at tsaka tumawa

" Ay grabe ang yabang naman nun " komento ni Kim

" But in fairness ha ang laki na tlaga ng improvement mo " sabay thumbs up ni Ponggay

" wala lang sa kondisyon si Ate Jia kaya ganun " pagbibiro ni Maddie sabay tingin sa tahimik na si Jia

" Mads naman, alam naman nating lahat na ilang years din si Deanna sa Japan and naging coach pa yan dun eh " sabi naman ni Jules na umupo habang pinupunasan ang pawisang mukha

" Kunsabagay, pero grabe tlaga Dean sobrang hingal ko eh " wika ni Maddie at huminga ng malalim

" Dean, wag nyo naman galingan ni Jema sa pag coach. gusto namin manalo ang mga anak namin " pagbibiro ni Michelle

" kasama nila si Antidote, kaya malaki chance nila" kampanteng saad ni Deanna

" dalawa lang ba ang team sa UAAP ha? Wag nyo kalimutan ang team ni Ate Aly " sabad naman ni Maddie

" Oo nga pla, kamusta na pla si Ate Aly? " biglang tanong ni Deanna

-

" Janine Ravena? "pagbasa ni Alyssa sa binigay na files ni Ish, ang assistant coach nya

" anak ni Dani Coach " sagot ng lalake

" Ish " sabay lapag ni Aly sa hawak na folder

" magaling yung bata " giit ni Ish

" andun na tayo, pero alam mo naman si Den baka kasi pag awayan namin to pag kinuha ko ang pamangkin ni Kiefer " paliwanag ni Aly

" lahat naman madadaan sa magandang usapan Coach "

Umiling si Alyssa

" may problema pa kami kay Hestia, tapos ito pa? " sarkisto nyang tanong

" Coach sayang naman kung mapunta sa ibang school yan "

Napabuntong hininga na lang si Alyssa habang nakatingin sa lalake

" sige, kausapin ko muna ang asawa ko tungkol dito " malumanay nyang sagot

" sige coach " may ngiting sagot ni Ish at lumabas na ng office

Nang biglang pumasok si Allison

" Ma "

" Allison, tapos na ba class mo? " tanong ni Aly at tinago ang folder na binigay ni Ish sa kanya

" Opo.. Magpapaalam po sana ako Mama "

" san ka pupunta? may training tayo ngayon " wika ni Aly

" bumalik na po kasi sa manila ang family ni Antidote.. gusto ko po sana syang puntahan " magalang na sagot ni Allison sa Ina

" ganun ba? wait "

Nang may kinuha si Alyssa sa kanyang wallet

" here " sabay abot sa anak

" para saan po to? " nagtatakang tanong ni Allison nang matanggap ang pera

" ibigay mo yan kay Hestia "

Nakatingin lang si Allison sa perang hawak nya

Nang biglang

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now