XI

5.2K 246 55
                                    

" Anong ginagawa mo dito?! "

" You, anong ginagawa mo? " tanong ni Deanna habang nakatingin sa kutsilyong hawak ng dating asawa

" Ikaw ang dapat ang sumagot sa tanong ko " madiin na wika ni Jema

Tumalikod si Deanna at may kinuha sa loob ng ref

" I lived here " kaswal na sagot niya na ikinuot naman ng noo ni Jema

" At Pano naman nangyari yun? wala ka ng karapatan na tumira dito " sarkistong saad nya

Matapos isara ang pintuan ng ref ay humarap siya kay Jema dala ang tupperware na may lamang pagkain

" Well I'm back, there's nothing you can do... at pwede ba ibaba mo na yang knife baka masaksak mo pa ako " wika ni Deanna at dumiretso sa kitchen counter

" Eh d mabuti, para mawala ka na sa buhay namin ng anak ko "mabilis na sagot ni Jema pero agad ding natigilan ng tiningnan sya ng seryoso ni Deanna

Huli na ng ma realized ni Jema ang kanyang sinabi

Bumuntong hininga si Deanna sabay lapit sa kanya

" Alam mo walang mangyayari kung aawayin mo ako " mahinahon nyang wika at kinuha ang kutsilyong sa kanya nakatutok kanina pa

Napalunok si Jema dahil sa ginawang paglapit ni Deanna

" M-mas mabuti pa na umalis na lang ako " at marahang tinulak si Deanna palayo tsaka tumalikod

" Sino ba kasi nagsabi na pumunta ka dito " parinig ni Deanna na ngayon ay malayo na pwesto ng dating asawa

Bilang uminit ang ulo ni Jema sa narinig at hinarap ulit si Deanna

" Hoy! baka nakakalimutan mo na hindi mo na pagmamay ari ang condo nato! "

" Pano mo naman nasabi yan? " walang ganang tanong ni Deanna na hindi man lang sya tinapunan ng tingin

" lahat ng expenses dito kaming dalawa ng kapatid ko ang nagbabayad " pagklaro ni Jema

May ngiting tiningnan sya ni Deanna

" So kung hindi na sakin nakapangalan to, how come na nakapasok ako dito? Bakit may access pa ako? " sunodsunod na tanong nya

Napaisip si Jema sa sinabi ni Deanna pero agad ding nakabawi

" Malamang naglandi ka na naman siguro, kaya nagawan mo ng paraan na tumira pa rin dito " sagot ni Jema

Napailing si Deanna sa narinig at hindi na kumibo

" Ayoko na makipag usap sayo, nagsasayang lang ako ng oras at laway ko, mas mabuti na umalis na lang ako dahil mas kailangan ako ng anak ko " pagkatapos sabihin ni Jema yun ay inirapan nya pa si Deanna bago tumalikod

" Samahan na kita " biglang sabi ni Deanna

Nilingon naman sya ni Jema

" Ano sabi mo? "

Nang may biglang kumatok sa pinto, si Deanna na ang nagbukas at bumungad sa kanila ang nag aalalang mukha ni Mafe

" Mafe " sambit ni Jema nang makita ang kapatid

" Jem "

At nang lumipat ang tingin nya kay Deanna

" Kuya Ate " may ngiti nyang bati

" Teka nga, bakit parang hindi ka man lang nagulat na nakita mo itong babaeng ito dito? " taas kilay na tanong ni Jema sa kapatid

" Jem pwede ba mamaya na yang issue mo kay Kuya Ate? sa ngayon hanapin muna natin ang anak nyo " pag awat ni Mafe dito

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now