XXXI

5.9K 260 51
                                    

Lumabas ng kwarto si Antidote at sakto namang paglabas nya nakita nya si Deanna na palabas ng kwarto ni Jema

" Ma " nang makita si Deanna

" Antidote "

" Dito na kayo ulit? " tanong nya at nilapitan ang Ina

" Uhmm.. hindi " sabay iling ni Deanna at naglakad pababa ng hagdan

" But, nakita ko kayo lumabas sa room ni Mommy " wika naman ni Antidote habang nakasunod sa likod ni Deanna

" Anak " boses ni Jema

Nilingon sya ni Antidote, nakasuot ito ng puting robe at halatang bagong gising dahil sa magulong buhok

" Morning " hinalikan nya si Antidote sa pisngi nang makalapit ito sa anak

Si Deanna naman ay tinalikuran si Jema nang makita nya itong palapit sa kanya

Nakita naman yun ni Antidote kaya napatingin sya kay Jema, ngunit ngumiti lang naman ito sa kanya

" Halika breakfast na tayo " akay ni Jema sa anak at nang makita nya si Hestia na pababa ng hagdan

" Hestia buti gising kna, samahan mo na kami mag breakfast "

" How about Mama? " tanong ni Antidote

Nang nilingon ito ni Jema ay wala na ito sa kinatatayuan nya kanina

" Uhmm.. Sige kumain na kayo ni Hestia dyan, tawagin ko lang ang Mama mo " utos ni Jema at bago iwanan ang anak para puntahan si Deanna

Naiwan si Hestia at Antidote kaya silang dalawa na lang muna ang pinagsilbihan ng dalawang maids.

" Deanna " habol ni Jema

" Wag mo akong tatawagin " nakatalikod na sagot ni Deanna

" Bakit kba nagkakaganyan? " naiinis na tanong ni Jema

" Tinatanong mo pa ako? " sarkistong tanong ni Deanna

" Harapin mo nga ako! " utos ni Jema

Gigil na hinarap naman sya ni Deanna

" Nakita mo naman suot mo kanina dba?! Bakit nka bra at panty ka lang? Sino gumalaw sayo! " bulyaw ni Deanna

" Deanna bakit ganyan ka mag isip? Sa tingin mo ba magpapagaalw ako sa iba? " hysterical na tanong ni Jema

" Eh bakit nga nka bra at panty ka lang ano yun? Nag photoshoot ka sa kama? "

" Brown out kagabi, walang kuryente ang init sa loob kwarto ano ba! Mag isip ka nga "

Natahimik naman si Deanna

" Oh ano? May sasabihin ka pa? " nka cross arm na tanong ni Jema

" Wala " pabulong na sagot ni Deanna

Inikutan naman sya ng mata ni Jema

" Halika na, hinahanap ka ng anak mo " bago tumalikod

" Pano yung hinanda kong breakfast sayo? " habol ni Deanna, dahilan para lingunin sya ni Jema

" Nag walk out ka dba? Kaya kasalanan mo na hindi ko na nakain yun "

" Mam Jema " pang iisturbo ng maid

" Bakit Manang? " tanong nya

" Hinahanap na po kayo ni Ms. Antidote " wika ng maid at tsaka umalis

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now