XLII

4.1K 227 25
                                    

Flashback

" Tanggalin mo nga yang kamay mo sa balikat ko " sita niya sa babae

" nagpapa picture tayo wag ka nga malikot " sagot naman nito sa kanya

" Hindi naman kasi kailangan naka akbay ka sakin " pairap na reklamo niya dito

" Nangangalay balikat ko eh " reklamo naman ng isa

" Okay na po tayo mga Mam? "

Tumango naman ang mag asawa, samantalang ang dalawang babaeng kasama nila sa pagpapakuha ng litrato ay hindi naman magkasundo sa kanilang tabi

" 1, 2, 3 " pagbilang ng photographer

Click!

" Oh tanggalin mo na kamay mo "

" Nangangalay nga eh " napipikon nyang sagot

" Pwede ba wag mo nga akong artehan pinagtiisan lang kita ha " at pinandilatan ito ng mata

" Let me remind you na nagkaroon ng fracture ang arm ko dahil tinulak mo ako paalis sa bed " pagpapaalala nya sa ginawa ng babae

" Wala ka namang arm sling so magaling ka na " naka cross arm na sagot nya naman dito

" Just because wala na akong arm sling magaling na ako " giit naman nya

" Kayong dalawa nag aaway na naman kayo " sita ng isa sa mag asawa

" Ito kasi eh " nakangusong turo nya sa pinsan

" Ako na naman " galit nyang reklamo

" Nandito tayo sa birthday party mahiya naman kayo "

" Ako may hiya, Ewan ko na lang sa isang ito " at masamang tiningnan ang babaeng katabi ngunit nginitian lang sya nito

---

" Gusto mo magka baby? " kaswal nyang tanong sa babaeng kaharap nya na kumakain sa lamesa

" Mukha bang gusto ko? " taas kilay nyang sagot

" Hindi ka ba naiinggit sa kapatid mo? "

" Bakit naman ako maiinggit? " pagsusungit nyang tanong

" Kasi sila masaya, ikaw hindi " nakangisi nyang sagot

" So? "

" Ikaw kung magkakaroon baby, ano gusto mo? Boy or girl? " pag usisa nya

" Girl, at may pangalan na ako para sa kanya "

" Freya " pagmamayabang nyang sabi

Tumawa naman ang babaeng kaharap

" Oh bakit ka tumatawa? " na hindi pa rin natanggal ang pagtataas ng kanyang kilay

" Sinunod mo kasi sa pangalan ko at mo" seryosong sagot ni Aya

" Hindi ah! bakit ko naman isusunod sa pangalan mo ang name ng magiging baby ko? Sino ka ba? " pagtataray pa na tanong ni Mafe

Hindi natanggal ang ngiti sa pisngi ni Aya nang bigla itong lumapit sa kanya

" Ako lang naman ang magbibigay ng anak, na papangalanan mong Freya "

End of flashback

" Ma " agaw pansin ni Freya sa nakatulalang Ina

" Ha? " sambit ni Mafe tsaka napatingin sa anak

My Ace Princess: Antidote Wong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon