XVIII

6.7K 273 76
                                    

" everyday? "

" Yes, everyday "

" wifewife "

" Hahaha iba kapatid ko " kinikilig na wika ni Mafe sa loob ng kotse

" Hindi ka ba titigil? " may pagbabantang tanong ni Jema habang nag d-drive

" Nakakakilig kaya, bakit ikaw ba hindi kinilig? " natatawang tanong sa kapatid

Napaikot ng mata nya si Jema

" Hindi "

" Yung totoo? "

Tinignan nya muna si Mafe bago binalik ang tingin sa daan

" Okay.. slight lang " pag amin nya

" Ayun.. sa madaling salita napalambot ka ng wifewife na tawag sayo ni Kuya Ate " kantyaw ni Mafe

" Pero hindi ko pa rin sya napapatawad " seryosong saad ni Jema

" Soon mangyayari yan " sagot na lang ni Mafe

" Tingin mo ba magiging okay na kami ng anak ko? "

" Kumpletong pamilya ang kailangan ng anak nyo.. hindi enough na okay lang kayo, dapat magkasama kayo sa iisang bahay " paliwanag naman ng isa

" Kailangan ba yun? " tanong ni Jema

" Oo naman, pano nyo mapapatunayan na kayo na ulit? kung hindi kayo nakatira sa iisang bubong? " napairap nyang sagot

" Pano sina Mama at Papa? Alam mo ang nangyari noon, nang malaman nila ginawa ni Deanna " may pag alalang wika ni Jema nang maalala nya kung gaano nagalit ang parents nya noon sa nangyari

" Kausapin natin sina Mama, siguro naman maiintindihan nila na ginagawa mo to para kay Antidote " paliwanag ni Mafe habang tine text ang anak na pauwi na ito

" Punta muna tayo sa supermarket, bibili ng ingredients bago kita ihatid sa bahay mo " pag iiba ni Jema sa usapan

" So ipagluluto mo tlaga si kuya Ate? " may ngiting tanong ng kapatid

" Wag mong bigyan ng ibang meaning ang gagawin ko, sumusunod lang ako pinag usapan namin " pagsusungit naman ng isa

" Okay.. pero ipapaalala ko lang sayo ha, na dati kayong mag asawa ni Kuya Ate so kung gusto mo makipagbalikan sa kanya pwede mong gawin " at tumawa ng malakas

---

" Manang kayo na po bahala dyan, bukas ko na lulutuin ang mga yan " wika ni Jema sa katulong na bitbit ang mga pinamili nya sa supermarket

" Opo Ma'am "

" Kumain na ho ba si Antidote? " tanong ni Jema

" Hindi ko po alam, kasi pagdating nya ho umakyat na sya sa kanyang kwarto "

" Ahh.. sina Mama? "

" Nasa loob na po ng kwarto nila " magalang na sagot ng matanda

" Sige po, thank you matulog na rin po kayo "

Umakyat na si Jema at bago pumasok sa sariling kwarto ay dumaan muna sya sa kwarto ng anak

" Antidote "

Nakailang katok pa sya bago biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ng anak.. Nang makapasok sa loob ay nadatnan nya si Antidote na nanunuod ng tv

" Kumain kna ba? "

" Tapos na " sagot nito habang ang tingin ay sa pinapanuod

" How's your day? " tanong ni Jema

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now