LI

2.9K 178 9
                                    

A/N

Thanks to Sachou Sambajon for the greetings. God bless!

-

" next time wag kasi kayo magsasabi na tuloy kung hindi naman pla " at gigil na pinutol ang tawag

" umuwi na tayo, hindi dumating ang COO ng CGC kaya cancelled ang tv shoot ni Antidote" naiinis na wika ni Jema at tumalikod

" wifewife " tawag ni Deanna

Nilingon naman sya ni Jema

" pahatid na lang kayo ng anak natin sa body guards ni Ate Jho " wika ni Deanna na hindi man lang tinapunan ng tingin si Antidote

" bakit? Hindi ka ba sasama samin pauwi? " kunot noong tanong ni Jema

" hindi " malamig nyang sagot

" uhmm.. may pupuntahan pa ako " at pilit na ngumiti

Binalingan ni Jema ng tingin ang nakatayong si Antidote na nakikinig lang sa pag uusap kanilang pag uusap bago binalik ang tingin kay Deanna

" may pag uusapan pa tayo dapat, pero sige. mukhang kailangan mong mapag isa muna " makahulugang wika ni Jema sabay tingin kay Antidote

" salamat " wika ni Deanna

" Antidote, halika na " pagyaya ni Jema sa anak

Sumunod naman ito sa kanya

" Freya ikaw? " baling ni Jema sa pamangkin

" sinamahan ko lang po si pinsan Tita, babalikan ko pa po si Mama sa gym. sabay po kaming uuwi " magalang na sagot naman ni Freya

" sige " wika ni Jema at umalis

Nang makaalis ang mag ina

" Tita " may pag alalang wika ni Freya nang makita nito na hinihimas ang sariling noo

" okay lang po kayo? "

Pikit matang tumango si Deanna habang hinihimas ang sariling noo

" pag pasensyahan nyo na po si pinsan, hindi naman po nya sinasadya yung mga narinig nyo kanina Tita, kasalanan ko po kasi pinipilit ko sya kay Hestia " paghinging paumanhin ni Freya

" totoo ang mga sinabi ng pinsan mo "

" i failed as a mother to her, and as a wife to your Tita Jema " may pagsisising saad ni Deanna

" alam ko po kung gaano nyo kamahal si pinsan, at alam ko po na maiintindihan nyo po sya "

Bahagyang napangiti si Deanna

" alam mo sa mga nangyayari ngayon? pakiramdam ko ang sama sama kong tao sa paningin ng anak ko " malungkot nyang wika

" Tita alam ko po na nakakapagod na po, pero Tita kailangan nyo pong maging strong para kay Pinsan at kay Tita Jema. Dapat nyo pong tanggapin at intindhin ang lahat ng nangyari kasi hindi naman po pwede na manatili tayo sa isang maling nagawa natin noon "

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now