XLVIII

3.6K 186 23
                                    

" Let's try something new today " pag uumpisa ni Mafe

" napapansin nyo naman siguro na wala tayo sa gym ngayon at nandito tayo sa skate park " sabi pa nya sa kaharap nyang mga players

" At dahil nandito tayo sa skate park, hindi nawawala ang Roller blades " wika ni Mafe sabay turo sa mga rollerblades na nakahilera malapit sa kinatatayuan nila

" ayos! " boses ng ibang players

" Sino sa inyo dito ang marunonrg gumamit ng Roller blades? " tanong ni Mafe

Maraming nagtaas ng kamay, kabilang ang grupo ni Hestia

" Based sa research ko, Inline skating is easier on your joints than running " paliwanag ni Mafe

" So imbes na tatakbo kayo kagaya ng lagi nyong ginagawa sa oval. Bakit hindi tayo sumubok ng bago? "

" Pero baka ma injure kami Coach " may pag alalanga wika ni Mia

" I understand your concern, pero gaya ng sabi ko let's try something new. at isa pa mas okay na bonding to kasama ng partner nyo "

" Akala nyo ba hindi ko alam na after ng training eh kanya kanya na kayo? " nakataas ang isa nyang kilay habang tinitingnan isa isa ang mga players niya

Napayuko naman ang iba except sa grupo ni Hestia at sa dalawang mag pinsan na si Antidote at Hera

" Hindi kayo marunong sumunod, kaya ngayon pahihirapan ko kayo kasama ng mga partners nyo " seryosong wika ni Mafe

" Kumuha na kayo ng mga roller blades at helmet ninyo, pero ang partner nyo ang magsusuot sa inyo ng mga yan " pagbibigay ni Mafe ng instruction

" Coach naman, kaya naman namin eh " protesta ng iba sa kanila

" Oo nga Coach " segunda naman ni Tara

Nang biglang pumito si Mafe dahilan para magsitahimik silang lahat

" Ako ang coach dito, kaya ako masusunod. 5 mins dapat tapos na kayo " maawtoridad nyang wika

mabilis naman sumunod ang mga players sa sinabi ng babaeng coach

" Ayusin mo De Guzman " may pagbabantang wika ni Freya sa kanyang partner

" Wag ka kasi magulo " sagot naman ni Hera habang isinusuot ang helmet na hawak sa ulo ni Freya

" Pano kasi ang bagal mo, magsusuot na lang ng helmet ang bagal pa " reklamo nya sa ka partner

" Eh pano naman kasi itong buhok mo, ang kapal kapal. hindi ka yata naliligo " sagot naman ni Hera

" Excuse me po naliligo ako " pagtataray ni Freya

" Tumahimik ka na nga " naasar na sabi sa kanya ni Hera

Sa gilid nila ay may dalawang mag partner naman na tahimik sa kanilang ginagawa

Sinuot ni Antidote ang helmet sa ulo ni Hestia at ganun rin ang ginawa ni Hestia kay Antidote

At dahil isang pares ng Roller blades lang bawat partner.

Si Antidote na ang unang gagamit

" Be careful " matapos isuot ni Hestia ang Roller blades sa mga paa ni Antidote inilalayan nya ito patayo pagkatapos

" Hold the hand of your partner " utos ni Mafe

" make sure na hindi nyo bibitawan ang kamay ng isat isa. kahit anong mangyari " makahulugan nyang sabi sabay tingin sa mag partner na sina Antidote at Hestia

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now