XXXVI

4.9K 229 37
                                    

" Jem sure ka ba dito? " nakangiwing tanong ni Mafe

" Bakit? " inosenteng tanong naman ni Jema

" Hindi kaya baka mas lalong magwala si Kuya Ate? " nag alala nyang tanong habang pinapanuod ang ginagawa ng kapatid

" At bakit naman sya magwawala? " taas kilay nyang tanong

" lahat ng hinanda mong pagkain ayaw nya eh "

" Ito ang kailangan nyang kainin " sagot naman ni Jema sabay lapag ng niluto nyang ampalaya

" Yes, pero kasi Jem alam mo naman dba na hindi sya mahilig kumain ng gulay " pagpapaalala nya sa kapatid

" So? Subukan nya lang mag inarte tatamaan sya sakin " pagsusungit ni Jema at kinuha ang inabot ng maid nila na bagong lutong chopseuy

" Ang harsh mo, bakit ikaw ba ang magbubuntis? "

" Kaya ko nga ginagawa to kasi sya ang magbubuntis, kailangan nya kumain ng healthy food " paliwanag naman ni Jema

" Kunsabagay " pag sang ayon na lang ni Mafe habang nakatingin sa mga nilutong pagkain ng kapatid

may chopseuy, pakbet, ginisang monggo, tortang talong at syempre hindi mawawala ang favourite ni Deanna ang ampalaya

" Mafe tinawagan mo na ba sina Papa? " tanong nya sa kapatid matapos nyang mahanda ang pagkain sa lamesa

" Oo " sagot ni Mafe

" Kelan daw sila uuwi dito? Ang tagal na nila dun sa Laguna " tanong ni Jema

" Sabi niya matatagalan pa daw sila dun " kaswal na sagot ni Mafe

" Ano ba inaasikaso nila? " pag usisa ni Jema

" Hindi ko rin alam, basta sabi nila uuwi din daw sila pag tapos na " pagkwento ni Mafe

" Sure ka ba na safe sila? "

" Anong klaseng tanong yan Jem? of course safe sila sa dating bahay natin sa Laguna " assured niMafe

" Naalala ko, ang titulo ng bahay pla sa Laguna binili ng babae ni Deanna "

" Maka babae ka naman ni Kuya Ate, wala naman syang gusto dun " pairap na sagot nya sa kapatid

" May pera ako para ipambayad sa sa pagbili nya sa bahay at lupa natin, kaya sa oras na makita ko yang babaeng yan ihahampas ko sa pagmumukha nya ang perang pambayad ko, gaga sya! kaya pla unang kita ko plang sa kanya mainit na dugo ko yun pla may gusto sya kay Deanna " galit na wika ni Jema

" Obvious naman kasi sa galawan nya, sino matinong tao ang bibili ng bahay at lupa natin sa laguna for 5million? Tsk " naiiling na sagot naman ni Mafe

" Yun na nga eh! naku pag nakita ko tlaga yan may kalalagyan yan sakin " gigil na wika ni Jema

" Pano pla kung magkita sila ni kuya ate? " biglang tanong ni Mafe

" Hindi pwedeng lumapit si Deanna sa babaeng yun, baka anong milagro na naman mangyari "

" Ano gagawin mo? eh may anak silang dalawa remember? "

" Basta oras na masimulan na namin ang treatment, dito na sya sa bahay titira " pagdesisyon ni Jema

" Pano si Jaden? "

Biglang syang natigilan sa tanong ng kapatid

" Ano magiging set up kung matuloy pagbubuntis ni kuya Ate? "

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now