XXII

5.8K 302 68
                                    

Naghahanda ng breakfast si Jema nang nakita nyang pababa ng hagdan ang kanyang mag ina

" Upo na kayong dalawa " at nilagay sa lamesa ang mga niluto nyang pagkain

" Jema " biglang sulpot ng kanyang Ama

" Pa, gusto nyo na po bang kumain? " tanong niya sabay halik sa pisngi ng matanda

Tumayo si Antidote at hinalikan ang kanyang lolo samantalang yumuko naman si Deanna bilang pag respeto

" Hindi na, aalis kasi kami ng Mama ngayon pupunta kami ng Laguna " sagot nya sa anak

" Anong gagawin nyo sa Laguna? " nagtatakang tanong ni Jema

" Bibisitahin lang namin ang dating bahay natin doon at ang mga kamag anak natin "

" Gusto nyo po ba samahan ko kayo? " tanong nya sa Ama

" Hindi na, may trabaho ka at isa pa kailangan ka ng mag ina mo " sagot ng matanda

" Okay po, mag ingat kayo dun ni Mama.. tumawag lang kayo kung may kailangan kayo sakin " bilin nya sa Ama

" sige mag bibihis lang kami " paalam nya pero bago umalis ay tinawag nya si Deanna

" Ikaw na sana bahala sa mag ina mo, alagaan mong mabuti itong anak at apo ko isama mo na rin si Mafe at Freya.. wag mo silang pababayaan "

" Ako na po bahala, mag ingat po kayo " magalang nyang sagot

" Salamat... Salamat sa lahat " at niyakap si Deanna habang seryosong nakamasid sa kanila si Jema

Matapos yakapin ang matanda ay umalis na ito at naiwan na silang tatlo, nang biglang sumulpot sa harapan nila ang isa sa mga maids nila

" Ma'am, may bisita po "

" sino? " tanong ni Jema

" Goodmorning po Tita "

" Reo " magkasabay na wika ni Jema at Deanna

" Hello po " at nahihiyang kumaway

" Ang aga mo naman manligaw " komento ni Deanna

" Dba nag usap na tayo kagabi? " pormal na tanong niya sa binata

" Deanna, wag mo nga takutin ang bata " saway ni Jema

" Nag breakfast kna ba Reo? " pag iiba ni Jema

" uhmm...hindi pa po Tita " magalang nyang sagot

" Ano yang dala mo? " tanong pa nya sa binata

" Niluto po ni Mommy " at binigay ito kay Jema

" Sige upo kna "

" Wifewife.. " pag pigil ni Deanna

" Deanna bisita sya, hayaan mo na nandito naman tayo eh " pagpakalma niya sa kausap

" Good morning " bati ni Reo kay Antidote

Hindi naman sya pinansin ng babae dahil naka focus lang ito sa kanyang kinakain

" Ma'am Jema "

" Bakit po Manang? "

" Hello " biglang sulpot ng magandang babae sa harapan nila ng lahat

" You look familiar " nag iisip na wika ni Deanna

" Allison Valdez " pagpapakilala nya

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now