LXIII

3.1K 209 49
                                    

" turn nyo mag grocery today " pagbalita ni Ishtar

" bakit sila? " tanong ni Hera

" kasi mag partner silang dalawa? " patanong na sagot ni Eania at tumawa

" pwede naman kami ni Hestia baby ko ang magkasama "

Napaikot naman ng kanyang mata si Ishtar

" Hera wag na makulit, pag nalaman ni Coach na ikaw at hindi si Antidote ang kasama ni Hestia magagalit yun.. alam mo naman na by partners tayo "

" Fine " buntong hiningang sagot ni Hera

" Ace " tawag nya sa tahimik na si Antidote

" what? "

" sana naman this time hindi umuwing umiiyak si Hestia " babala nya bago umalis

-

Nakatutok si Deanna sa hawak nyang tablet nang lumapit sa kanya si Jema

" Ano na naman ginawa mo? "

Nag angat ng tingin si Deanna at tinanggal ang suot nyang salamin sa mata

" Ano ba sinasabi mo? "

" Carlos " tawag ni Jema at biglang sumulpot sa tabi nito ang kanyang player

" Bakit kasama mo sya? " seryosong tanong ni Deanna

"Kasi pupunta kami ngayon sa doctor dahil sumakit ang tuhod nya, alam mo kung bakit? Kasi tinapon mo daw sya sa pader kagabi.. bakit mo ginawa yun ha? " galit na tanong ni Jema

Binalingan ng tingin ni Deanna ang walang kibong si Carlos

" Hindi ka makasagot?!! "

Yumuko si Deanna at tsaka umiling

" Deanna kung may problema ka sakin wag mong idamay ang player ko, naintdihan mo?! " sermon ni Jema

Mahinang tumango naman si Deanna

" At pwede ba wag ka muna magpapakita sakin " babala ni Jema

" Halika na Carlos " at inilalayan ang kasama

Sinundan naman sila ng tingin ni Deanna habang naglalakad palabas ng gym

-

" hindi ka sasama sa loob? " tanong ni Antidote

" hintayin na lang kita dito " sagot ni Hestia

Matapos marinig ang sagot nito ay lumabas ng sasakyan si Antidote. Aakyat na sya papuntang hagdan nang makita sya ni Jema

" Kamusta ang Tita mo? "

Nilingon nya ang Ina na papunta naman sa kinaroonan nya

" okay lang "

" Si Jaden? " tanong naman nya sa Ina

" Sa bahay ng classmate nya, may group project daw silang gagawin "

" okay " sagot ni Antidote at akmang aakyat na ng hagdan

" Bakit ka nandito? Dba dapat nasa dorm ka? " pag usisa ni Jema

" may kukunin lang ako sa room ko "

" Anak, Pwede ba mag usap muna tayo? " tanong ni Jema at hinawakan ito sa balikat

" Alam mo nag aalala ako sa Tita mo "

" Why? " kaswal na tanong ni Antidote

" May na kwento ba sya sayo na problema ng team nyo? "

" Wala naman " sabay iling ni Antidote

" Kasi nag usap kami kahapon, she's so hopeless.. gusto nyang mag quit bilang coach nyo " may pag alalang kwento ni Jema

" What? But why? " nagtatakang tanong ni Antidote

" Hindi ko alam, parang takot na takot sya na ewan "

" Baka stress sa mga pasaway nyang players " Boses ni Carlos at lumapit sa dalawang nag uusap

" what are you doing here? " walang emosyong tanong ni Antidote

" ah anak, galing kasi kami sa doctor kanina. pina check up ko ang tuhod nya, may nangyri kasi.. paalis na rin sana kami para ihatid ko sya sa bahay nila nang makita kita " pagkwento ni Jema habang nakatingin sa anak na nakatingin naman ng masama kay Carlos

-

" Jem hindi mo naman kailangang gawin to " wika ni Celine nang makita nya si Jema na inalalayan si Chynna papasok ng bahay

" Kailangan dahil kasalanan naman ito ni Deanna.. ewan ko ba kung anong pumasok sa isip nya bakit nya nagawa sa anak nyo ito.. Sorry " sagot ni ni Jema at umupo sa sofa nang kinuha na si Carlos ng kanyan yaya

Nagkatinginan si Celine at Tots bago binalik ang tingin sa kanilang bisita

" wala bang sinabi sayo si Deanna? " tanong ni Tots bago umupo

" kahit ano naman sasabihin nya wala akong pakialam at hindi ako maniniwala.. "

" bakit naman? Eh si Deanna na yun " sabi naman ni Celine

" before ako pumunta sa birthday mo Celine, nag away na kaming dalawa kaya nga wala akong regalo pagdating dito kagabi " may ngiti nyang kwento

" Jem, alam mo kung anong sasabihin sayo ni Deanna paniwalaan mo kasi yun ang totoo " seryosong saad ni Tots

" wala naman syang sinabi kung ano nangyari kagabi, hindi sya nagsalita o nag explain man lang kung ano nangyari sa anak nyo " kibit balikat na sagot ni Jema

Umayos ng upo si Tots sabay napatingin sa kanyang asawa bago nagsalita

" Jem, ang totoo kasi nyan "

Nang biglang dumating si Carlos

" Ma hindi pa ba tayo kakain? " pang iisturbo nya sa mga nag uusap

-

" Bakit hindi mo sinabi ang totoo kay Jema na kasalanan ng Carlos na yun kaya nangyari sa kanya yun ? " tanong ni Jho

" Ayoko na lumala pa ang problema " mahinang sagot ni Deanna

" Kung saan sya masaya, eh dun na lang ako " dagdag pa nya sabay buntong hininga

" Masaya? Sa anak ni Celine at Tots? " tanong naman ni Ponggay

" look, galit sya sakin ngayon kaya kahit anong explanation ang ibigay ko hindi sya maniniwala sakin " malungkot nyang paliwanag sa mga kaibigan

" so pababayaan mo na lang ang anak ni Tots na makuha si Jema? " tanong ni Bea

Napahilamos ng kanyang mukha si Deanna

" nakakapagod na kasi, sa kakapilit namin na maging okay para sa anak namin, nasasaktan na namin ang isa't isa "

" so ano plano mo? " may simpatyang tanong ni Maddie

" lalayo muna ako sa kanya " pikit matang sagot ni Deanna

" lalayo? Dean alam mo pag ginawa mo yan binibigyan mo lang si Carlos ng chance na mas mapalapit kay Jema " pagpapaintindi sa kanya ni Jho

Nang si Ponggay naman ang nagsalita

" paano kung bigla naging masaya sya kay Carlos? "

Nagkibit balikat na lang si Deanna

" If she can make my Margarett happy, I'll give in. " mapait nyang sagot at malungkot na ngumiti

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now