XXXII

5K 243 36
                                    

" Si Mommy? " tanong ni Antidote pagkababa nya sa hagdan

" Hindi pa po nakauwi si Mam Jema " sagot ng maid

Walang kibong tumalikod si Antidote

" Ms. Antidote, kakain na po ba kayo? tapos na ho kaming magluto " habol na tanong ng maid

" What's for dinner? " tanong ni Antidote

" Isda at ampalaya po ang pinaluto ni Mam Jema para sa hapunan " magalang na sagot ng maid

" ihahanda ko na po ba? "

" Hindi " sagot ni Antidote

Tatalikod na sana ang maid nang tinawag nya ito

" Wait, si Hestia ba kumain na? " tanong ni Antidote sabay tingin sa kanyang suot ng wristwatch

" Paghatid po ni Ms. Hera sa kanya kanina, hindi na po sya bumaba " magalang na sagot ng maid

Tumango si Antidote pagkatapos marinig ang sagot ng kausap, at umakyat sa hagdan. Pero imbes na pumasok sa sariling kwarto ay sa kwarto sya ni Hestia pumunta

Kumatok sya sa labas ng pinto. Nakailang katok pa sya bago binuksan ng babae ang pintuan

Makikita sa mukha ni Hestia ang pagkagulat nang makita niya si Antidote

" Y-you need a-anything? "

" Parang wala kang ginawa the other day " komento ni Antidote sa babae

" Okay I'm sorry, kung yan lang ang dahilan mo kaya nandito " wika ni Hestia

" i don't need your sorry " walang emosyong saad ni Antidote

" so why are you here? " nagtatakang tanong ni Hestia

" Wala pa si Mommy "

" then? " tanong ni Hestia

" Nagluto si Manang, pero hindi ko gusto ang food " pag amin ni Antidote

" Kaya ka ba nandito dahil magpapaluto ka ng kakainin mo? Sorry but i don't know how to cook " sabay iling ni Hestia

" Hindi ako kumakain ng ampalaya "

" Magpaluto ka na lang ng ibang food kay Manang " suggest nya sa kausap

" Magagalit si Mommy "

Kumunot naman ang noo ni Hestia

" wala ka namang pakialam kung magalit sayo si Tita Jema, right? bakit ngayon parang concern ka? " nagtatakang tanong niya kay Antidote

" I'm not a bad person "

" Alam mo, kainin mo na lang kasi ang niluto ni Manang para hindi tayo nag uusap " balewalang wika ni Hestia

" Ayaw mo akong kausap? " tanong ni Antidote

Hindi nakasagot si Hestia

" Okay " at tumalikod na si Antidote

---

" Gabi na po mam, mahirap na maghanap ng bukas na vulcanizing shop dito " wika ng tricycle driver na hiningan nila ng tulong

" So pano ba to manong? " namomoblemang tanong ni Jema

" Bukas po ng umaga mam, babalikan ko po kayo dito " sagot ng tricycle driver

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now