LIV

3.2K 172 13
                                    

" What did you do this time Charlene?! " galit na tanong ni Charles sa kapatid pagkapasok nito sa loob ng kanyang opisina

" K-Kuya " kinakabahang sambit nya

" Alam mo ba galit na galit si Dad sa nangyari? What are you thinking?! Bakit cancelled ang tv shoot ni Antidote the other day? "

" akala ko ka kasi hindi sasama si Ate Deanna sa location " depensa ni Charlene sa sarili

" Charlene hindi ka pwedeng gumawa ng gulo sa mismong tv shoot na gagawin ni Antidote naintindihan mo? We need her.. The members of the board want us to present the tv commercial of Antidote next meeting " paliwanag nito sa kapatid

" all right, sorry.. i'll make it up to you kuya. let my secretary handle things about their daughter. "

" you can't do that " sabay iling ni Charles at bumalik sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at hinarap ang nagkalat na papeles sa ibabaw ng kanyang table

" At bakit hindi? " pag usisa ni Charlene

" wala sila ngayon sa Manila " sagot ni Charles na sa hawak na mga papeles ang tingin

" What do you mean na wala sila dito sa Manila? " nagtatakang tanong nito

Tiningnan sya ni Charles bago sumagot

" pumunta sila ng Cebu "

Nang marinig ang sagot ng kapatid ay biglang uminint ang ulo ni Charlene

" What?!!! Kuya! Alam mo naman pla bakit wala kang ginawa? " sigaw nya sa nakaupong kapatid

" marami akong problema dito sa office Charlene. Plus inaayos ko pa ang gulong ginawa mo " madiin na sagot naman ni Charles

Huminga ng malalim ang babae at pilit pinapakalma ang sarili

" sino kasama nila? "

" Silang apat " balewalang sagot ni Charles tsaka tumayo at kumuha ng bottled water sa mini ref na nasa loob ng kanyang opisina

" Don't tell me- "

Nang lumapit si Charles sa kanyang kapatid at inabot ang hawak nyang bottled water bago nagsalita

" Yes. together with your daughter "

-

Nakapikit ang mga mata ni Antidote habang nakaupo sa nakahilerang upuan sa loob ng airport

" Bakit ngayon lang kayo? " salubong ni Jema sa dalawang taong kakarating lang

" Traffic wifewife eh " nahihingal na sagot ni Deanna

Tumakbo kasi sila ni Jaden papasok ng airport, Nang mabaling ang tingin nya sa anak na nakaupo habang nakapikit ang mga mata

" wait... natutulog ba yang anak mo? "

Sinundan ni Jema ng tingin ang sinasabi nya

" Hindi ko alam.. siguro.. kanina pa kasi kami dito.. bakit gusto mo gisingin ko? " sabay balik ng kanyang tingin sa kausap

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now