CHAPTER 1: FIRST KISS

1.1K 45 11
                                    

ATHENA'S POV

"Mahal kita Athena... Matagal na. Hindi ko kaya na mawala kapa sa buhay ko. Hindi ko na palalampasin ang pag kakataon na'to para sabihin sayo kung gaano kita ka mahal."

Tinignan niya ako ng may ngiti sa kanyang mga labi.. At dahan dahan naglapit ang mga mukha namin nang biglang...

*TOK! TOK! TOK!*

Katok sa pinto ng kwarto ko ang gumising saakin. Panaginip lang pala. Ano ba yan! Sayang naman oh. Mag kikiss na sana kami ni Taehyung eh. Kiss nalang pagkakait pa? Hay! Istorbo kasi ehh!

"Bakit? Sino yan?"
"Ahhh its me Sophia, your wedding ceremony will begin within an hour. So get up and prepare now."

Oo nga pala, ngayon pala yung wedding namin ni Kevin. Kung tatanungin mo ako kung mahal ko siya? Of course... HINDI NOH! its just an arranged marriage. Pinagkasundo kasi ako ng lolo ko sa anak ng business partner niya. Anyway... Hi! Hello! Mabuhay! Ako nga pala si Athena Gabrielle Salvador. My friends call me Gab. 20 years old. Aspiring artist. Only child. Nerd. Ulila. 10 years old lang ako ng mamatay parents ko sa isang car accident. Simula non nagdecide si lolo na sa States nalang ako pag aralin kahit labag sa gusto ko. For past 10 years, si lolo na ang nasusunod sa lahat ng bagay but now, everything is according to my plans.

****
"Today we will witness the wedding of the two big families in the Philippines, its our biggest honor."
"Tama, Athena and Kevin looks perfect together. Bagay na bagay silang dalawa."
"I know right. Kaya nga nag decision kami na ipakasal sila dahil they will be so perfect together and I want to be a grandfather again sa magiging anak nila. Speaking of my granddaughter Athena, she's my pride and my everything. At dahil sa maganda naming lahi, sigurado ako na magiging mabuting asawa siya para kay Kevin. And I can assure you that she is an elegant, gentle and decent girl. Sa katunayan nga never siya gumawa ng bagay para pasakitin ang ulo ko eh."

Hanggang dito sa loob ng bahay rinig na rinig ko ang pagmamayabang ni lolo sa mga kumpare at mga kumare niya. Hay si lolo talaga parang ewan.

Pagkatapos nila akong ayusan, naupo ako sa sofa habang naka tingin sa gabundok na regalo sa wedding namin ni Kevin. Puro mga sapatos, damit at mga mamahaling gamit sa bahay ang nandito. Ano kayang magandang gawin dito? Well I have a very good idea.

Tumayo ako sa ibabaw ng sofa at nag salita.

"Okay mga kaibigan. Lapit lapit lang! Pumili na kayo dito sa mga gamit na to. Murang mura lang. Bagsak presyo kaya pili na kayo guys."

Biglang nag silapitan ang mga katulong at lahat ng kasama namin sa bahay tapos pumili sila sa mga gamit na binibenta ko.

"Madam magkano dito sa heels na pula?"
"7000 nalang para sayo manang."
"Eh etong damit na to maam magkano?"
"5000 nalang para sayo ate."
"Wala na bang tawad maam?"

Tinignan ko si manang ng may blankong expression sa mukha.

"Ano ba ate, bagsak presyo na nga eh. Sige na! Kunin mo na yan."

Sa kalagitnaan ng pag bebenta ko, dumating naman si Sophia at kinausap ako.

"Hoy Athena anong ginagawa mo?"
"Bulag kaba cous? Edi nag bebenta ng gamit."
"I know na nag bebenta ka at hindi ako bulag noh. Eh bakit nag bebenta ka ng gamit? Eh regalo yan sa wedding niyo ni Kevin."
"Nagbebenta ako ng gamit para magawa ang mga plano ko and I really need your help cous."

Biglang nanlaki ang mga mata ni Sophia ng dahil sa sinabi ko.

"Plano? What plans? What do you mean?"
"Basta wag ka nang magtanong ng magtanong. Ano game?" sabi ko habang nakangiti ng sobrang lapad.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now