CHAPTER 24: FRIEND REQUEST

171 10 0
                                    

KENDRIX'S POV

Nang makatapos ang play namin, umuwi muna ako para makapag pahinga at makabawi ng tulog. Pero habang nakahiga sa kama ko, hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi ko naman talaga intention na halikan si Athena sa labi pero biglaang nangyari yon. Hindi ko inexpect na ganon pala ang mangyayari. Parang may tumulak kasi saakin para halikan si Athena sa labi. Pero SHIT! Grabe ang lambot ng labi niya. Siguro nacarried away lang sa sobrang ganda ni Athena. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon tungkol saakin. Hay nako naman! Bakit ba kasi ginawa ko yun? Paano pag nagalit ulit siya ng dahil sa ginawa ko? Ang tanga mo Kendrix! Ang tanga mo!

Maya maya pa, biglang dumating si Kaycee at pumasok sa kwarto ko.

"Hi kuya. Sorry ahhh. Hindi ako nakapanuod ng play niyo. Masama kasi ang pakiramdam ko. Im really sorry kuya." sabi ni Kaycee.
"No! Its okay baby sis. Naiintindihan ko naman eh." sagot ko.
"Thank you for understanding kuya. Anyways, how was the play? Mag kwento ka naman ohhh." sabi ni Kaycee.
"Well, the play gone well. Naging maayos naman ang lahat. As usual masaya at enjoy. Remember the girl I like?" tanong ko.
"Yes kuya. And so what? Ano naman ang kinalaman nya sa play niyo? Nanuod ba siya? Nag cheer ba siya para sayo? Ano?" Tanong ni Kaycee.
"Siya ang nag play ng role na Snow White. Everything goes into places but except for one thing." sabi ko.

Bigla akong tinignan ni Kaycee na parang ewan.

"What do you mean kuya?" sabi ni Kaycee habanv nakataas yung kilay niya.
"I KISS HER." Sagot ko.
"What? Diba part naman yun ng story? Magigising lang si Snow White sa curse ng evil Queen sa pamamagitan ng TRUE LOVES KISS. So ano naman mali doon?" sabi ni Kaycee.
"Yes I know and theres nothing wrong with it but I kiss her like a real kiss." sabi ko.

Biglang naubo si Kaycee ng dahil sa sinabi ko.

"Wait wait wait! What do you mean by like a real kiss?" tanong ni Kaycee.

Huminga muna ako ng malalim bago ako nag salita.

"I KISS HER ON HER LIPS." sabi ko.

Biglang napatayo si Kaycee at pinalo ako sa balikat.

"OH MY GOSH! You mean, as in lips to lips kuya? But I thought its just a kiss on the cheeks. What happened?" sabi ni Kaycee.
"It was supposed to be on her cheeks but something happened. Nahalikan ko siya sa lips. And hindi ko yun sinasadiya. I dont know why it happened basta nangyari nalang ang lahat. Ewan! Ang gulo diba?" sabi ko.
"WHAAAAT? What did she say?" tanong ni Kaycee.
"Wala naman siyang sinabi pero nanlaki ang mata niya at tinitigan niya lang ako ng may blankong expression sa face." sabi ko.
"Oh my gosh. Nagalit ba siya sayo?" tanong ni Kaycee.
"I dont know! Hindi ko alam. You know naman how much I like her right? Ayoko magalit sya saakin. Kasi sa tuwing nakikita ko at alam ko na nagagalit siya hindi ko alam ang gagawin ko." sabi ko.

Lumapit saakin si Kaycee at niyakap ako.

"Its okay kuya. Wag kang PARANOID. Kung sakaling galit man siya sayo, you two will be okay soon. I swear." Nakangiting sabi ni Kaycee.
"You always makes kuya feel better everyday. Thank you baby sis." sabi ko.
"Your welcome kuya. Alam mo naman diba na I'm always here for you. Love kita eh."
"I love you too baby sis. Ang swerte swerte ko kasi meron akong kapatid na kagaya mo." sabi ko.
"Ano ka ba kuya! Mas swerte ako kasi meron akong kuya na caring, loving at gwapo na kagaya mo. Anyways, maiba ako. Friend na ba kayo ng girl na gusto mo sa facebook?" tanong ni Kaycee.
"Hm hindi pa eh. Bakit?" sabi ko.
"Ano ba kuya! You have to add her on facebook para updated ka palagi sa mga happenings sa life niya. Tsaka para malaman mo kung ano ang mga gusto niya at ayaw niya. I think thats the best move na pwede mong gawin for now." sabi ni Kaycee.
"Okay I will Kaycee. I will. Thank you for the good idea." sagot ko.
"Your welcome kuya. Hm I have to go now kuya. Gagawa pa ako ng guest list para sa birthday ko tsaka baka naiistorbo na kita eh."
"Okay baby sis. I should have some rest now. Thank you for making kuya feel better. I love you baby sis." sabi ko.
"I love you too kuya. Bye!" sabi ni Kaycee sabay labas ng kwarto ko.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now