CHAPTER 19: DEFENSIVE

250 16 3
                                    

ATHENA'S POV

*KRING... KRING... KRING...*

Tunog ng alarm clock ang gumising saakin. JUICECOLORED! Nagkaroon ako ng napakasamang panaginip. Grabe! Hinatid daw ako Kendrix tapos dito pa daw siya natulog sa bahay. Bakit kaya ganon ang panaginip ko? Tsaka ano naman ang gagawin ni Kendrix dito? NAKAKALOKA NAMAN.

Isinuot ko na ang salamin ko at tumayo na ako. Pumunta ako sa salamin para magsuklay. Habang nag susuklay ng bigla akong may napansin na paa sa baba ng kama ko.

"AHHHHHHHHHHHHHHH! MAY MULTO!"

Napasigaw ako sa sobrang takot.

"Ano ba! Bakit kaba sumisigaw Athena? Ang aga aga naman eh."
"AY PALAKA!" gulat na sigaw ko.
"Siguro di naman ako mukhang palaka diba?"
"KENDRIX?" sigaw ko.

Natulala ako ng makita ko si Kendrix na nakahubad sa kwarto ko. SHEEEEEEET! Ang ganda ng katawan niya. May 6 pack abs ang mokong. KALOKA! Pero mukhang may gagawin siyang masama saakin. JUICECOLORED!

"Anong balak mong gawin saakin? Wag mong subukang lumapit. Sisigaw ako dito ng rape sige ka!" sabi ko sabay takip sa katawan ko.

Tinignan ako ni Kendrix na may blankong reaksyon sa mukha.

"Wala akong balak na masama sayo or what. Diba nga sabi ko sayo kagabi, may respeto ako sa mga babae. Kaya safe ka saakin." Nakangiting sabi ni Kendrix.
"Eh bakit ba kasi naka topless ka?" tanong ko.

Tinignan niya ang katawan niya sabay tawa ng malakas.

"Hahaha! Ito ba? Ang init kasi kagabi. Kaya naghubad ako. Tsaka pwede ba wag kang assuming. Wala akong balak na masama sayo noh." sabi ni Kendrix.
"Oo na sige na. Pwede ba mag T-shirt kana. Baka kung ano pang isipin ni tito at ni tita pag nakita ka niyan naka hubad. Baka isipin nila na may nangyari saatin." Sabi ko.

Totoo nga! Nandito nga siya at hindi talaga ako nananaginip. NAKAKALOKA! Pero infairness ang ganda ng katawan niya ah? Ano ba Athena! Umayos ka nga! Bakit ba palaging nasa isip mo si Kendrix? Pwede ba. Tama na!

Nagdamit na nga si Kendrix at nauna nang bumaba. Makalipas ang 20 minute, natapos na din akong mag ayos at bumaba na para mag almusal. Habang nag lalakad pababa ng hagdan nang bigla kong nakita si Kendrix.

SHHHHHEEEET! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Alam mo yung feeling pag nakikita mo yung crush mo biglang nag i-SLOW MOTION ang lahat tapos ang bilis ng tibok ng puso mo tapos lahat ng panget na bagay gumaganda sa tuwing makikita mo siya hanggang sa hindi mo nalang namamalayan na nakatulala kana pala. NAKAKALOKA NA THIS! Bakit ganon ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Kendrix? Hindi ko naman siya gusto eh. Si Calyx ang gusto ko. Ano ba yan! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang gulo! Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Siguro may HEART PROBLEM na ako. Makapag pa check up nga bukas.

NANG BIGLANG...

"HOY ATE! ANO TO? TITITIGAN MO NALANG BA SI KUYA KENDRIX?" Sigaw ni Maxine.
"Ahh...hhhhhh sorry may na alala lang ako." sabi ko.
"Naalala? Weh? Baka crush mo si kuya Kendrix? AMININ! HAHAHA!" Biro ni Maxine.
"WHAAAT? ANO BA! HINDI NOH! MAGKAIBIGAN LANG KAMI NI KENDRIX! BAKIT BA INIISIP NIYO NA GUSTO KO SIYA? EHH HINDI KO NAMAN NGA SIYA GUSTO OKAY? BAKIT BA ANG KULIT KULIT MO?" sabi ko.

Tinignan lang ako ni Tita Alex, Tito Kennedy, Maxine at ni Kendrix ng may blankong expression sa mukha.

JUICECOLORED! PINAGPAWISAN AKO NG BONGGANG BONGGA. NAKAKALOKA NAMAN KASI TONG SI MAXINE EH. SARAP SABUNUTAN SA KILAY. HAY!

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now