CHAPTER 22: LOVE BATTLE

219 14 0
                                    

ANGEL'S POV

Nang makatapos na kaming mag rehearsals, nagmadali akong maglakad palabas ng university. Nasa bungad palang ako ng university ng bigla ako sinalubong ng mga binayaran kong masasamang tao.

"Hey ma'am sexy! Nasaan na yung pera?" -GOONS.
"Can't you just wait?" Pagtataray ko.
"Pwede ba! Wag kang mag english english diyan! Naiirita ako sa boses mo eh! Ano magbibigay ka ba o hindi? Ayoko pa naman sa lahat yung pinaghihintay ako. Bilisan mo, baka madulas ang dila ko. Tandaan mo, dito nakasalalay ang lahat." -GOONS.

Tinignan ko ng masama yung lalake. Kung hindi lang nakasalalay dito ang lahat, hindi ko naman to gagawin eh. Ginagawa ko to para kay Kendrix. Para sa future namin. Yung future na wala si Athena. Yung si Kendrix lang at ako. Kahit umabot pa sa PATAYAN ipaglalaban ko parin si Kendrix.

"OKAY ETO NA! ARRRRGGHH! Bakit ba kasi kailangan ko pang magbigay sainyo. Palpak naman ang trabaho niyo eh." sabi ko.
"Ehh okay lang naman saamin na hindi ka magbigay pero baka isang araw mula ngayon malalaman mo nalang na sikat kana ng dahil sa ginawa mo. At wag na wag kang mag tatangka na magsumbong sa mga pulis kasi sisiguraduhin ko na isasama kita sa kulungan. At bago mangyari yun, baka isang araw malaman mo nalang na isa nang MALAMIG NA BANGKAY ang boyfriend mo." - GOONS.

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi nung goons saakin.

"ANO? HELL NO! Wag na wag kayong magkakamali na saktan ang boyfriend ko! Kasi kung hindi ako mismo ang papatay sainyo. MALIWANAG?" sabi ko.
"Kaya nga mamili ka. Mag bibigay ka ba o hindi?" -GOONS.
"Okay fine. As if naman na may choice ako. Ayan na ang pera niyo. Isaksak niyo yan sa mga baga niyo! Mga INUTIL!" sabi ko.
"Magbibigay ka din naman pala eh, dami mo pang dada." -GOONS.
"SHUT UP OKAY? So now quits na tayo! Wala kayong pag sasabihan ng lahat at mas lalo pang wag na wag niyong sasaktan ang boyfriend ko. Maliwanag ba?" sabi ko.
"Yes ma'am. Sa uulitin ha? Bye!" -GOONS.

Nang makaalis na yung mga goons, umalis na din ako at umuwi nalang. Aba'y mga loko yun ahhh. Pumalpak na nga sila tapos hihingan pa ako ng pera. Pero okay na yun siguro naman magtatanda na yan si Athena ng dahil sa nangyari sakanya. At handa akong gawin ang lahat para hindi malaman ni Kendrix ang mga ginagawa ko. Sa susunod sisiguraduhin ko na hindi kana makakaligtas sa mga plano ko Athena.

KENDRIX'S POV

Lumipas na ang isang buong maghapon pero hindi parin ako pinapansin ni Athena. Hindi ako sanay na ganito kami ni Athena eh. Kasalanan lahat ito ni Calyx. Hindi naman iiwas si Athena saakin kung hindi siya dumating at umepal saamin. NAKAKAINIS! Kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Athena.

Lumipas na ang dalawang oras pero wala parin akong natatanggap na reply galing kay Athena. Siguro nga galit siya saakin. Hay ewan! Dahil sa sobrang badtrip na nararamdaman ko, nag decide ako na umuwi nalang at nagkulong sa kwarto ko. Habang naka higa ako nakinig ako ng music para kumalma. Pinatugtog ko ang WEAK BY MICHAEL PANGILINAN.

"I get so weak in the knees, I can hardly speak. I lose all control and something takes over me."

"In a daze and it's so amazing, it's not a phase. I want you to stay with me, by my side..."

"I swallow my pride, your love is so sweet. It knocks me right off of my feet."

"Can't explain why your loving makes me weak."

Tama yung sabi nung kanta. Si Athena ang kahinaan ko. Pero hindi ko ma-explain kung bakit mahina ako pagdating kay Athena. I think I just love her that much kaya ganon. Hay! Sa kalagitnaan ng pakikinig ko ng music ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon