CHAPTER 50: BOLD STAR

87 4 0
                                    

ATHENA'S POV

Ilang oras palang ang nakakalipas, hindi na ako mapakali sa inuupuan ko. Nag aalala kasi ako kay mokong eh. Eh.... nandoon naman si Kaycee para bantayan siya eh. Pero kahit na, hindi parin ako mapakali. Ayaw ko naman na puntahan siya sa bahay nila. Baka kung anong isipin niya saakin. Nako! Yung lalakeng yun kasi grabe yung imagination. Baka magkaroon pa ng malisya pag pumunta ako doon. Kaloka diba? Pero hindi ko parin mapigilang wag mag alala sakanya. Kulang nalang nga lumipad yung utak ko sa kakaisip eh. Hanggang sa hindi ko nalang namalayang nakatulala na pala ako. Nang bigla akong tinanong ng professor namin sa history.

"Ms. Salvador... Who was the 'father of history' who dealt with the heroic theme of the great clash between the Greeks and the Persians?" -professor.

"KENDRIX LEE..." sagot ko habang nakatulala.

Biglang nagtawanan ang lahat ng dahil sa sagot ko. Nakakaloka! Bakit sa dinami dami ng pwede kong maisagot yun pa? JUICECOLORED NAKAKAHIYA! LUPA KAININ MO NA AKO PLEASE? HUHUHU! T____T

"WHAT? ARE YOU WITH US MS. SALVADOR? NAKIKINIG KA BA SA LESSON KO?" -professor.

Napakamot nalang ako sa ulo ko ng dahil sa tanong ng professor namin.

"Im so sorry ma'am." sagot ko.
"Because of that, you will clean this history room after class." -professor.
"But ma'am...."

Bigla akong tinignan ng professor namin ng parang ewan.

"Mamili ka Ms. Salvador, maglilinis ka? O pupunta ka sa detention? It may affect your grades if magdedetention ka. Remember, you are graduating Ms. Salvador." -professor.
"Im sorry maam." Sabi ko.

Hindi na sumagot yung professor namin at umalis nalang. Makalipas ang isang oras, natapos na ang history namin.

"Ang landi kasi. Hanggang sa imagination niya, si Kendrix parin ang nilalandi niya. Hay." Parinig ni Angel.

Pero mas pinili ko nalang na wag nalang siyang pansinin at bumalik nalang sa pakikinig sa professor namin. Ayoko kasi ng gulo eh. Makalipas ang dalawang oras, tapos na ang history class namin. So it means oras na para maglinis. Hay! Kung minamalas ka nga naman oh ano ba yan. T_____T

Buti nalang hindi ganon kadumi yung room kaya mabilis ako natapos. Palabas na sana ako nang biglang dumating si Angel.

"Oh? Saan kana pupunta Ms. Janitor?" tanong ni Angel.
"Tapos na akong maglinis eh. So pwede na ako umalis." sagot ko.

Bigla siyang tumawa ng malakas na parang ewan. Ano naman kaya ang nakakatawa sa sinabi ko? Kaloka!

"No! Hindi kapa tapos noh. May naiwan na pang napakalaking dumi."

Lumingon ako at hinanap yung malaking dumi na sinasabi niya.

"Opps.... You dont have to look around Athena kasi ikaw yung tinutukoy kong napaka laking basura. Remember, ikaw ang reyna ng mga basura?" Tumatawang sabi ni Angel.

Tinignan ko siya ng may blankong reaction sa mukha.

"Pwede ba Angel. Ayoko ng gulo. Please lang! Lubayan mo na ako." sabi ko.

Lumapit siya saakin tapos tinignan niya ako ng masama.

"Tama ba yung narinig ko Athena? Lubayan? Eh ikaw ata yung hindi marunong umintindi ng salitang lubayan eh. Ilang beses ko na bang sinabi sayo na layuan mo si Kendrix. Pero ano? Hindi mo magawa. imbis na lumayo ka, lalo ka pang lumalapit. Nangiinsulto ka ba Athena? O sadyang tanga ka lang? Simpleng instructions hindi mo magawa? Bobo! Siguro pinaglihi ka ng nanay mo sa kalan. KALANDIAN! AKIN SIYA! AKIN LANG SIYA!" galit na sigaw ni Angel sabay sampal saakin.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now