CHAPTER 32: I LOVE YOU

153 13 0
                                    

KENDRIX'S POV

MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO...

Habang nag lalakad lakad sa loob ng university ng biglang sumagi sa utak ko na umamin na kay Athena. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung mag tatapat na ba ako o itatago ko nalang ang nararamdaman ko para sakanya? Natatakot kasi na iwasan ako niya ako kapag nalaman niya ang nararamdaman ko para sakanya. Hay parang sinabi ko na din na duwag ako non. Pero tama yung sinabi ni Kaycee, kailangan ko nang aminin sakanya ang nararamdaman ko bago mahuli ang lahat. Bahala na kung ano ang maging desisyon ni Athena, basta kailangan niyang malaman ang totoo.

Dali dali kong hinanap si Athena para sabihin sakanya ang nararamdaman ko. Habang nag lalakad, napadaan ako sa school garden at nakita ko doon si Athena habang nakaupo at inaamoy ang mga bulaklak. Grabe, kahit malayo siya saakin, tanaw na tanaw  ko ang ganda niya. Ang ganda ganda talaga niya lalo na kung nakangiti siya. Pakiramdam ko kompleto na ang araw ko sa tuwing makikita ko siya. Hay! Wag kang kakabahan Kendrix. Kaya mo yan!

Lumapit na ako kay Athena at tinawag ang pangalan nya.

"ATHENA!" sabi ko.
"AY KABAYO! Ano ba Kendrix! Wag mo naman akong gugulatin ng ganon. Aatakihin naman ako sa puso ng dahil sa gulat. Kaloka ka!" sabi ni Athena sabay tingin ng masama saakin.
"Ay sorry Athena. Hindi ko naman sinasadya eh. Pasensiya kana ahh." sabi ko sabay yuko.

Lumapit saakin si Athena at hinawakan ang balikat ko.

"Nako wag kang mag alala, okay lang ako Kendrix. Nga pala, anong kailangan mo?" Nakangiting sabi ni Athena.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko na nakangiti si Athena saakin. Sobrang ganda talaga niya lalo kapag nakangiti. Mahal na nga kita Athena, mahal na mahal. Eto na to. Aamin na ako sakanya. Hindi ko na papalampasin yung oras na to. This is now or never.

*INHALE... EXHALE... INHALE... EXHALE..*

"ATHENA SALVADOR MAHAL KITA!" sabi ko.

Nanlaki ang mata ni Athena at tinitigan niya lang ako.

"Ta...tama ba ang narinig ko Kendrix? Ma...mahal mo ako?" Nauutal na tanong ni Athena.
"Oo tama ang narinig mo. Matagal na kitang gusto Athena. Since the first day I saw you. I fell inlove with you. You are most perfect girl na nakilala ko. Hindi ko alam kung anong meron ka, basta ang alam ko lang mahal na mahal  kita." seryosong sabi ko.

She look at me with a poker face.

"PERO KENDRIX......"

Natahimik ulit si Kendrix at tinitigan niya lang ako.

"Naiintindihan ko naman kung ayaw mo saakin Athena, kasi hindi naman ako ang ideal guy mo diba? Alam ko naman kasi na si Calyx ang gusto mo at hindi ako. Atleast ngayon alam mo na ang totoong nararamdaman ko. Sige, alis na ako ahh. I LOVE YOU!" sabi ko.

Tumalikod na ako at nag umpisa ng maglakad papalayo. Bigla akong napahinto sa paglalakad kasi hinihintay ko na tawagin ako ni Athena pabalik pero wala eh. Hindi niya ako pinansin. Habang nag lalakad ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Great! Buti nalang umulan, para di nila makita na umiiyak ako. Ano pa bang aasahan ko? Eh hindi naman ako ang ideal guy niya eh. Sikat nga ako. Maraming babae ang gusto ako. Pero para sa babaeng mahal ko, IM JUST A NOBODY! And thats the sad reality of life. Dapat tanggapin ko na yung realidad na hindi ako gusto ng taong mahal ko. NANG BIGLANG...

"KENDRIX LEE, MAHAL DIN KITA!" sigaw ni Athena.

Bigla akong lumingon at  napatigil sa pag lalakad.

"Totoo ba yun? Mahal mo din ako Athena?" tanong ko.
"Oo, mahal kita Kendrix. Mahal na mahal." sabi ni Athena.

Agad akong tumakbo papalapit kay Athena at tinitigan siya ng sobrang lagkit. Dahan dahan nagkalapit ang mga mukha namin. TAPOS ANG SUMUNOD NALANG...

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon