CHAPTER 12: DISAPPOINTED

230 16 9
                                    

ATHENA'S POV

Pagkatapos ng tatlong subject, tumunog na ang bell. OH MY GHAD! LUNCH TIME NA. Kinakabahan ako. SHEEEEEEEET! Kaya ko ba to? HINDI KO KAYA! KALOKA! Magdadate kami ni Calyx? The man of my dreams? JUICECOLORED! Aatakihin na ata ako sa puso sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Huhuhu! T__T

Habang nag lalakad papalabas ng university nang makasalubong ko si Kendrix kasama si Angel.

"Oh hello there Athena." Bati ni Angel.
"Hi Athena." Bati naman ni Kendrix.

Tinignan ako ni Angel ng masama.

"Hi Angel." sabi ko.
"Kendrix and I were going on a date. Kaya please excuse us Ms. President. Baka malate na kami sa lunch namin. Bye!" nakangiting sabi ni Angel.

Umalis na nga sila. Habang ako naman, patuloy na naglakad palabas ng university. Nang makarating na ako sa labas ng university, hindi ko parin nakikita si Calyx. Nasaan na kaya si Calyx? Nakalimutan niya na ba na may DATE kami? Este lunch pala. Nakalimutan niya na ba ako? Di na niya ba ako mahal? Paano na kami? Paano na ako? CHAROT LANG! Hahaha!

Hindi na nga siguro siya dadating. Hay! Ano ba yan! Siguro nga tama si Maxine. Umaasa lang ako sa wala. ANG TANGA TANGA KO. ANG TANGA KO KASI NANIWALA AT NAGHINTAY AKO.

Pabalik na sana ako sa loob ng university nang biglang may humawak sa balikat ko.

"ATHENA!"
"AY BUTUKI!" sigaw ko.

Muntik na sana akong matumba at nahulog salamin ko. Buti nalang may sumalo saakin na isang lalake. KALOKA! Bakit ba kasi pinanganak akong magugulatin. Simula bukas babawasan ko na ang pag kakape ko. JUICECOLORED! Muntik na mabagok ang ulo ko sa gulat. Buti nalang may sumalo saakin. Teka nga lang. Sino ba ang sumalo saakin? Di ko makita ehh. LETCHENG MATA TO EH! ANG LABO!

"Okay ka lang ba?" tanong ng lalake.

Sino kaya to? Di ko talaga makita. Ang liwanag kasi ng sikat ng araw. Angel ba siya? OMG! PATAY NA BA AKO? OH NO! THIS CAN'T BE! HINDI PA AKO READY MAMATAY! MAY MGA PANGARAP PA KAMI NI CALYX! HUHUHU! T__T

Hanggang sa sumigaw si Zoey. OH MY GHAD! Buti nalang buhay pa ako. THANK YOU LORD!

"BEEEEESSSSS! Ano ba kasi nangyari sayo? Okay ka lang ba?" tanong ni Zoey.
"Oo bes. Okay lang ako. Pakihanap naman nung salamin ko ohh." sabi ko.

Agad naman inabot saakin ni Zoey ang salamin ko. Nang maisuot ko na yung salamin ko. Nakita ko na si Calyx pala yung sumalo saakin.

"Okay ka lang ba Athena?" tanong ni Calyx.
"CALYX? Oo okay naman ako." sagot ko.

Bumangon na ako sa pag kakahiga ko sa braso ni Calyx. SHHHHHHEEEET! ANG TIGAS AT ANG LAKI NUNG ANO NI CALYX... YUNG MUSCLE NIYA. HEHEHE!

"Sorry Athena ahh! Nagulat ba kita?" tanong ni Calyx.

AY HINDI CALYX! INI-EXPECT NGA KITA EH. INI-EXPECT KO NA SUSULPOT KA NALANG BIGLA NA PARANG KABUTE TAPOS BIGLANG HAHAWAKAN ANG BALIKAT KO. KALOKA SYEMPRE NAGULAT AKO! MUNTIK NA NGA MABAGOK ANG ULO KO SA GULAT EH. TAPOS TATANUNGIN MO AKO KUNG OKAY LANG AKO? SYEMPRE HINDI! PERO PASALAMAT KA, MEHEL KETE! EHE! HAHAHA!

"Medyo. Pero okay lang ako. Wag kang mag alala. Nga pala SALAMAT SA PAG SALO SA PUSO KO AHHH ESTE SAAKIN PALA. Nako kung hindi mo ako nasalo siguro nabagok na ang ulo ko and worse, baka ma amnesia na ako tapos nakalimutan na kita." sabi ko.
"Sorry talaga ahhh. Di na mauulit. Di na kita gugulating ulit." sabi ni Calyx.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now