CHAPTER 53: RESEARCH

95 6 0
                                    

KENDRIX'S POV

KINABUKASAN...

Sinag ng araw ang gumising saakin. Siguro nakalimutan ni Athena isara yung bintana bago siya umuwi kagabi. Babangon na sana ako ng mapansin ko si Athena na natutulog katabi ko habang nakayakap saakin. Hindi pala siya umuwi. Totoo nga yung sinabi niya na hindi niya ako iiwan. Imbis na babangon na ako, mas pinili ko nalang na mag stay at titigan yung magandang mukha niya. Grabe. Sobrang ganda ng future wife ko. Hehehe. Matangos na ilong, makinis at matabang mga pisnge tapos mapupula at malambot na labi. Pakiramdam ko naka tingin ako sa isang magandang Anghel na nahulog sa lupa para baguhin yung malungkot kong buhay. This girl beside me makes me feel better and better every single day. Hay! Kung panaginip man to, ayoko na munang magising. Pwede kahit ganito nalang kami maghapon? Please? Pero alam ko naman na hindi pwede eh. Kailangan parin namin bumangon para sa mga pangarap namin eh. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatitig sakanya.

Maya maya pa, dahan dahan dinilat ni Athena ang mga mata niya at ipinikit ko ang mga mata ko at nag panggap na natutulog. Baka isipin na kanina pa ako nakatitig sakanya.

"Ampoge oh." bulong niya sabay pindot sa ilong ko.

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at nagkatitigan kami.

"Good morning Athena." nakangiting sabi ko.

Biglang nanlaki ang mata niya ng dahil sa sinabi ko. Nag madali siyang bumangon at nagmadaling tumakbo papunta sa banyo. Ano nangyare don? Hindi naman mabaho yung hininga ko ah.

(A/N: NAGMADALING PUMUNTA SI ATHENA SA BANYO PARA MAGHILAMOS AT MAGMOUTH WASH.)

Bakit kaya tumakbo siya? Maya maya pa, bumalik na siya.

"Good morning din Kendrix. Sorry ah? Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa tabi mo. Pangako wala akong ginawang masama sayo. Promise." sabi ko.

Bumangon na ako at dahan dahan lumapit papunta sakanya tapos bigla siyang sumigaw.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw niya.

Bigla ako napaatras sa sobrang gulat.

"Ba...ba...bakit? Anong meron? Bakit ka susumigaw?" gulat na tanong ko.
"Anong balak mong gagawin ha? Kung ano man yang iniisip mo wag mo nang ituloy! Sige sisigaw ako dito." sabi niya.

Bigla ko siyang tinitigan ng may blankong reaction sa mukha.

"Ha? Bakit ka naman sisigaw eh MAG BABANYO lang naman ako. Tsaka wala akong balak gawin sayo noh." sabi ko.
"Ahm I mean, sisigaw ako sa sobrang saya kasi magling kana. YEHEY! LETS CELEBRATE! LETS PARTY! TUGS! TUGS! TUGS! TUTUTUGS! TUGS! TUGS!" Sigaw ni Athena.

(A/N: SINABI YUN NI ATHENA HABANG NAG SASAYAW SAYAW NA PARANG TIMANG.)

Bigla akong natawa ng dahil sa ginagawa niya. Ang wierd ng babaeng to ah? Siguro kailangan na neto magpacheck up sa doctor. -_______-

"Ano yung ginagawa mo Athena?" tanong ko habang may blankong reaction sa mukha.
"Ah... Nagpaparty... Hehehehe." sabi ni Athena sabay kamot sa ulo niya.

I look at her so wierdly.

"Alam mo Athena, GUTOM LANG YAN. Mauna kana doon sa baba para makakain kana okay? Si Kaycee na yung bahala sayo. Magpeprepare na muna ako kasi may pasok tayo okay?" sabi ko.

Makalipas ang 30 minutes, natapos na ako. Pababa palang ako, kitang kita ko na yung ganda ni Athena. Pinahiram siya ni Kaycee ng damit. Bagay na bagay sakanya yung plain white na dress. Lalong lumalabas ang kagandahan niya eh.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang