CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK

119 9 0
                                    

KENDRIX'S POV

Habang kumakain kami ng agahan, hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan si Athena. Ewan ko ba, parang may magnet ang mga mata ko na kusang naa-attract na tignan ang magandang mukha ni Athena. Tapos sa tuwing ngigiti si Athena parang tinutunaw ang puso ko. At sa tuwing naasar at naiinis siya, lalo siyang nagiging cute sa paningin ko. Para siyang bata na masarap yakapin at pisilin ang nga pisnge. Nababaliw na ba ako? O ganon ko lang talaga kamahal ang taong to?

"Ano kendrix? Kamusta naman yung pagkain?" tanong ni Athena.
"Okay na Okay. Sobrang nag enjoy ako. Ang sarap sarap ng mga niluto ni nanay Alex eh. Grabe busog na busog ako. Natatakot nga ako eh." sagot ko.

Bigla nila akong tinignan na parang ewan.

"Ha? Natatakot ka naman saan Kendrix?" Tanong ni Athena.
"Natatakot ako na baka masanay ako at hanap hanapin ko yung ganito." biro ko.

Bigla silang natawa ng dahil sa sinabi ko. Oo sinabi ko yun ng pabiro pero partly totoo yun. Ayoko na masanay ako sa ganito. Hindi lang yung mga pagkain yung hahanap hanapin ko, baka pati si Athena. Sana ganito nalang araw araw. Sana hindi nalang ako bumalik sa dati kong buhay. Mas gusto ko na yung ganito, mas masaya ako sa ganito.

"Nako okay lang masanay ka kendrix. Kahit araw araw nandito ka okay lang. Palagi kang welcome dito saamin." naka ngiting sabi ni nanay Alex.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang kay nanay Alex.

"Ah nanay Alex, tatay Kennedy, Maxine at Athena, mauna na po ako. Maraming salamat po sa masarap na breakfast." sabi ko.
"Ahh hatid na kita Kendrix." sabi ni Athena.

Nang makarating na kami sa harap ng pinto ng apartment namin, biglang nag tanong si Athena.

"Anong plano mo ngayong araw?" tanong ni Athena.
"Hm ngayong araw? Maglilinis siguro ng kwarto. Bakit?" sagot ko.

Tinignan ako ni Athena na parang ewan tapos bigla siyang tumawa na parang ewan.

"Bakit ka tumatawa Athena? May mali ba sa sinabi ko." tanong ko.
"Meron. Eh hindi ka nga marunong gumamit mop at walis, maglinis pa kaya? Hahaha!" sabi ni Athena habang tumatawa.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa sinabi ni Athena. Hay! Pasalamat ka mahal kita kasi kung hindi siguro kanina pa kita pinatulan.  Hahaha. Joke lang! Di ko naman kayang gawin yun sa taong mahal ko noh! Hehe!

"Oo nga noh? Nakalimutan ko na hindi pala ako marunong mag linis. Bahala na. Kaya ko yun." sabi ko habang kumakamot sa ulo.
"Sigurado ka?" sabi ni Athena.
"Oo naman. Ako pa ba? Baka nakakalimutan mo, ako ata si Kendrix Lee noh? Walang imposible pag dating saakin noh." sagot ko with a fake smile.
"Pwede naman kitang tulungan kung gusto mo."
"Nako wag na Athena. Nakaka hiya naman. Kaya ko naman eh." sabi ko.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti siya saakin.

"But I insist Kendrix. Okay lang saakin na tulungan ka. Eh kung ako nga tinutulungan mo palagi. Syempre its about time na ikaw naman tulungan ko diba?" sabi niya habang naka ngiti.

Habang nakikita ko ang mga ngiti ni Athena pakiramdam ko may kabayong tumatakbo sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok na puso ko. Gusto kong hawakan at pisilin ang cute na mga pisnge niya kaso hindi pwede eh. Baka kung anong isipin niya saakin eh.

"Sige na nga. Pero promise mo saakin na hindi mo ako pag tatawanan okay?" sabi ko.

Tinignan niya lang ako na parang ewan habang nag pipigil tumawa.

"Sige. Susubukan ko. Hehehe." sagot niya.

Nag lakad na kami papasok ng bahay ng biglang napatigil si Athena sa harap ng pinto ng kwarto ni Calyx.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now