CHAPTER 4: SEATMATE

405 21 0
                                    

ATHENA'S POV

Pagkatapos ng nangyari nagsisi ako kasi nasaktan ko si Kendrix. Okay lang kaya siya? Teka? Bakit ko ba iniisip ang abnormal na yun. Ehh wala nga siyang paki saakin diba? Pero... Tama ba ginawa ko? Hay ewan! Hayaan mo na nga! He deserve it naman after ng pagnakaw niya ng first kiss ko at sa pagpapahiya niya saakin kahapon.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa room ko. Makalipas ang ilang minuto, nakarating na ako sa room. Nag lalakad palang ako papunta sa dito pinagtatawanan na nila ako. Ewan ko ba kung bakit pinagtatawanan ako ng lahat sa tuwing makikita nila ako. Panget ba ako? Katawatawa ba ako? Then why? CHAROT! Hahaha arte ko noh? Feeling Liza Soberano ang peg. Malamang Athena panget ka, katawa-tawa ka kaya wag kana magtanong. Tignan mo nga yang itchura mo? Para kang galing sa panahon ni Jose Rizal eh. Mas okay na galing saakin ang panlalait mas masakit kaya pag galing sa iba noh. Hahaha! Naupo ako sa dulo. Ayoko kasi sa masikip! Ayoko sa madumi at ayoko sa mabaho! KEME LANG! Wala naman talagang gustong tumabi saakin dahil sa itchura ko. As if I care naman diba? Kung ayaw nila saakin, mas lalong ayaw ko sakanila noh! Maya maya pa dumating na yung iba pa naming classmates. Habang naghihintay sa pagdating ng professor at iba pa naming classmates ng biglang nagkagulo ang lahat.

"Ang ganda niya sis. Gusto ko talaga siya maging kaibigan."
"Pre ang ganda niya. Liligawan ko talaga yan."
"Nahulog ata puso ko sakanya."

Nandito ba si Liza Soberano? Sino ba kasi ang dadating na magandang babae? Ba't lalayo pa kayo, Eh nandito lang naman ako ah? CHAROT! Nako nakakacurious naman. Sino kaya yan? Hay ewan bahala siya dyan, makapag basa nalang nga.

Maya-maya pa...

"Ang ganda mo naman Angel."
"Hi Angel! Can we take a photo together? Idol na idol kita eh."

Yan ang sabi ng mga fangirls and fanboys niya. Akala ko naman kung sino ang magandang dadating, yung GLUTA GIRL lang pala. Kaloka feeling maganda di naman eh. Pero teka nga lang sakin ba sya nakatingin? Papalapit ba sya saakin? Di ko makita masyado. Near sighted kasi ako. LETCHENG MATA TO EH! Hay ewan makapag basa nalang nga ulit.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ng biglang nag salita si Babaeng labanos sa harap ko.

"Ohhh its you!"
"AY DEMONYONG ITS YOU!"

Kaloka nagulat ako dun ah. Aatakihin ata ako sa puso. Sa sobrang gulat eh. Kaloka!

"What did you say? Ano tingin mo sakin kampon ni Lucifer?"
"Oo... este hindi ahhh. Ganda mo kaya para maging kampon ni Satanas. Sorry nagulat lang ako." Nakangiting sabi ko.

Ehhhh kampon ka naman talaga ni Satanas diba? Kala mo kung sinong maganda at sobrang bait. Ang sama din ng ugali. Bagay kayo magsama ni Kendrix. Mga kampon ng kadiliman.

"Diba ikaw yung girl na nagtanong saakin kanina right? Anong ginagawa mo dito? Are you stalking me? Why?? Oh my gosh I know why! Are you a big fan too? Siguro nagagandahan ka ng sobra saakin. Tapos kaya mo ako tinanong kanina kasi gusto mong makita ang beautiful face ko. I knew it! Grabe! Hindi mo naman kailangang sundan ako kung saan ako pumunta eh. Wait where's your phone? Lets have a selfie together para may remembrance ka saakin."

Sus! Ako stalker? Bakit? Ganda ka ha? Ganda ka? Taas naman ng bilib neto sa sarili niya. JUICECOLORED naman, May taste naman ako kung sino dapat i-stalk noh. Mas pipiliin ko pang i-stalk ang BTS at BLACKPINK pati na rin si BIG HIT kaysa sayo. Duhhh? Hindi ka ganon ka ganda para i-stalk ko noh.

"Wag na uyyy." bulong ko.
"Are you saying something ba?"
"Wala.. sabi ko sorry, I dont have phone."
"Omg! Every millennial have their own mobile phone. So it means hindi ka millennial kasi manang ka? Aww so poor."

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now