CHAPTER 42: AWARDING

124 7 0
                                    

ATHENA'S POV

Habang nasa bus kami pauwi saamin,  nang bigla kong naalala yung nangyare kagabi. Bakit  ganon nalang ang takot ng mokong na to nung tumigil yung elevator? Kahit hindi niya sabihin yung tunay na nararamdaman niya, eh kitang kita ko naman sa mga mata niya yung takot. Pero kahit ganon, pinilit parin niyang pinalakas yung loob ko. Hinawakan ko nalang yung kamay niya para kahit papano, mawala na yung takot na nararamdaman niya hanggang sa nakatulog na siya sa mga balikat ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan yung sarili ko.

"Kendrix, mahal kita." bulong ko habang hinihimas yung buhok niya.

Hindi ko binitawan yung kamay niya hanggang sa hindi ko narin namalayan na nakatulog na din pala ako. Marami na nangyare sa buhay ko simula nung nakilala ko ang mokong na to. Pero kahit minsan hindi niya ako iniwan. Siguro ito naman yung oras para bumawi ako sakanya. Sa lahat ng efforts niya na ginawa niya para saakin. Makalipas ang 30 minutes, nakarating na kami sa bus stop na babaan namin. Habang naglalakad kami pauwi, biglang nag salita si Kendrix sa gitna ng katahimikan.

"ATHENA?" sabi ni Kendrix.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang tinawag ni Kendrix yung pangalan ko. JUICECOLORED! ANG HOT KASI NUNG BOSES NIYA EH. CHAROT! HAHAHA!

I look at him and I smile. Nakakaloka! Alam niyo yung ngiting pilit? Ganon yung ginawa ko. MY GHAD CASSY! Kinakabahan ako ng bonggang bonggga. Pakiramdam ko may kabayo sa dibdib ko eh. Ano ba talaga kasi yung sasabihin ng mokong na'to? Grabe yung pasuspense ah. Pinagpapawisan na tuloy yung kilikili ko. Huhuhu! T___T

"I LOVE YOU!"

Biglang akong napahinto sa paglalakad at nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi niya. Nag iimagine lang ba ako? O talagang sinabi niya yun? NAKAKALOKA! -____-

"A....A...ANO YUNG SABI MO KENDRIX?" gulat na tanong ko.

Hindi agad siya naka sagot at tinitigan lang ako.

"Sabi ko I LOVE YOU.....R SENSE OF HUMOR. Grabe! Ang galing mo kasi palagi mo akong napapatawa eh." Nakangiting sabi niya.

Akala ko naman kung ano yun eh. JUICECOLORED! PINAGPAWISAN AKO DUN NG BONGGANG BONGGA EH. Tsaka diba sabi ko, ayokong umasa na magugustuhan niya ako kasi hindi naman ako ang type niya eh. Masasaktan lang ako pag patuloy pa akong umasa noh. Tama na yung sakit kay na naramdaman ko kay Calyx. Kotang kota na ako eh. Tama na yun.

"Ah ganon ba? Thank you. Hehehe" Sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Kendrix at pumasok nalanang sa loob.

"Oh? Saan ka ba galing anak? Halos mabaliw na ako kakahanap sayo eh." Bungad ni tita Alex.
"Ah... nag apply po kasi kami ng part time job pambayad ng tuition. Tapos aksidenteng nakulong po kami ni Kendrix sa elevator kahapon. Kaya po hindi kami nakauwi kahapon." sabi ko.
"Hindi mo naman kailangan magtrabaho eh. Nandito kami ng tito Kennedy mo para tulungan ka." sabi ni tita Alex.

Tingnan ko si tita Alex tapos ngumiti ako.

"Nako tita. Wag na po. Eh pinatira niyo na nga po ako ng libre dito sa apartment niyo. Tapos iaaasa ko pa sainyo yung pag aaral ko? Ayoko po ng ganon tita Alex. Ginusto ko to, kaya dapat ako mismo po gagawa ng paraan para makagraduate ako." Nakangiting sagot ko.

Tita Alex look at me and She smile.

"Okay kung ganon nak. Sige! Kung saan ka masaya, suportahan nka namin unconditionally. Hindi ka na namin pipigilan. Alam ko naman na hindi ka gagawa ng bagay na ikakapahamak mo. Payakap nga ako!"

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن