CHAPTER 40: CRUSH

100 6 0
                                    

ATHENA'S POV

Habang nag hihintay sa pagdating ng tulong, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ganon ba ako kamalas para maranasan yung lahat ng to? Yumuko ako at umiyak nalang. Yun nalang kasi yung magagawa ko eh.

NANG BIGLANG...

"Okay ka lang?..." sabi nung lalake sabay abot ng panyo saakin.

Dahan dahan kong inangat ang ulo para tignan kung sino yung dumating.  Nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa nakita ko at biglang napayakap sakanya habang umiiyak.

"Wag kana umiyak okay? Nandito na ako oh? Nalate lang ako kasi ang traffic eh." sabi niya.

Tingnan niya ako at pinunasan yung mga luha sa mata ko. Nakakaloka! Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

"Teka? Napano yang mga sugat mo? Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong niya.
"Nai-snatch kasi ng mga mga snatcher yung bag ko. Tapos nakipag agawan ako kaya ayun, nakaladkad ako nung riding in tandem. Pero okay lang ako. Maliliit na sugat lang to. Malayo naman to sa bituka eh." sabi ko.

Bigla niya akong tinignan ng masama tapos binuhat niya ako.

"Ano ba Kendrix! Ibaba mo nga ako!! Kaya ko naman mag lakad eh!" Sabi ko habang nag pupumiglas.

Bigla siyang napahinto sa paglalakad at tinignan ako na parang ewan.

"Bakit mo ginawa yun ha?" tanong niya ng may blankong reaction sa mukha.
"Ha? What do you mean Kendrix? Ano yung ginawa ko?"
"Bakit mo isinugal yung buhay mo ha? Kung sana hinayaan mo nalang na kunin ng mga snatcher yung bag mo, edi sana hindi kana napahamak ng ganito!" Galit na sigaw niya.

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa pag sigaw ni Kendrix.

"Bakit nagagalit ka ha? Bakit parang kasalanan ko kendrix?" Gulat na tanong ko.
"KASI NAG-AALALA AKO SAYO ATHENA! KASI...."

Biglang bumilis ang tibok ko ng dahil sa sinabi niya. Nakakaloka! Bakit ganito yung nararamdaman ko. Parang pakiramdam ko sasabog na yung dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ka....ka...kasi ano Kendrix?" Nauutal utal na tanong ko.
"Kasi kaibigan kita Athena! Kaya sobrang nag aalala ako sayo!" sabi niya.

Alam ko. HANGGANG KAIBIGAN LANG AKO. Dahil sa sinabi ni Kendrix, hindi ko magawang tignan siya ng diretcho. NAKAKALOKANG PUSO TO EH. Ibinaba ako ni Kendrix at inalalayan sa pag sakay sa taxi.

"Saan po kaya sir?" -Manong Driver.
"Sa pinaka malapit pong hospital manong." Sabi ni Kendrix.

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi ni Kendrix.

"HOSPITAL? ANO YUNG GAGAWIN NATIN DUN?" gulat na tanong ko.
"Kailangan natin ipagamot yang mga sugat mo." sagot niya.
"Eh maliliit na sugat lang naman to eh. Wala to. Pwede ko naman tong gamutin sa bahay eh."

Bigla niya akong tinignan ng may blankong reaction sa mukha.

"But still its prone to infection Athena. Kailangan natin yan ipagamot para masigurado na safe ka. Maniwala ka saakin Athena. Medicine yung course ko eh." seryosong sabi niya.

Medicine yung course ng mokong nato? Nagulat ako dun ah.

"So plano mo pala maging doctor? Bakit hindi ko alam yun?" tanong ko.

He look at me and he smile.

"Eh hindi naman ako mahilig mag kwento tungkol sa lahat ng gusto ko eh kasi wala naman gustong makinig." sabi niya.

Tignan ko siya at ngumiti ako sabay hawak sa kamay niya.

"Ako! Gusto kong makinig!" Nakangiting sabi ko.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now