CHAPTER 77: REVELATIONS

144 8 0
                                    

ANGEL'S POV

Habang naka higa ako sa kama ko, rinig na rinig ko dito yung tawa ni mom. Wait, tama ba yung naririnig ko? Boses ba yun ni mom? Out of curiosity, nagmadali akong tumakbo pababa ng accidentally kong narinig yung pinag uusapan nila ni lolo dad.

"Dad I think nahanap ko na si Princess Katelyn." Masayang kwento ni mom.

Biglang nanlaki yung mga mata ni lolo dad nung marinig niya yung sinabi ni mom.

"WHAT? PAANO? SAAN? SAAN MO  NAKITA YUNG APO KO?" gulat na tanong ni Lolo Dad.
"I met someone on the mall earlier. Suot niya yung kwintas na binigay saakin ni Sebastian and she have the the same heart shape birthmark on her left chest." nakangiting sabi ni mo.

Bigla siyang tinignan ni lolo dad na parang ewan.

"Pwedeng nagkataon lang ang lahat anak. Pwedeng  nagkataon lang na  magkapareho sila ng kwintas at birthmark ng apo ko. Maybe that necklace is just an imitation of your necklace." seryosong sabi ni lolo dad.
"But dad that is so  impossible. Siguro yung tungkol sa birthmark pwedeng nagkataon lang pero yung tungkol sa kwintas dad, hindi pwedeng maging peke yun kasi yung kwintas na yun ay galing pa sa mga ninununo ni Sebastian at hinding hindi ako magkakamali, yun ang kwintas na binigay niya saakin. At eto pa dad, napulot siya ng mga umampon sakanya sa perya kung saan nawala si Princess Katelyn. And she is a student of our university." sabi ni mom.
"Okay lets say that the girl you met on mall earlier is Princess Katelyn, so anong plano mo?" Tanong ni lolo Dad.

Biglang natahimik si mom ng dahil sa tanong ni lolo Dad.

"I dont know dad. Pero nagpa DNA test na din kami para masigurado ko na siya talaga si Katelyn. Ang two weeks from now makukuha ko na yung results ng DNA test namin at meron akong plano na i-announce sa grand ball yung result ng DNA TEST." Sabi ni mom.

Hindi na sumagot si lolo dad at ngumiti nalang. Kung totoo man na buhay nga si ate princess, I'll make sure to make her life a living hell. Hindi pwedeng babalik nalang siya one day para agawin ang spot ko sa bahay na to. I'll make sure to get RID with her as soon as possible.  Masyado ng masikip ang mundo para sa dalawang reyna. May the best Queen wins.

ATHENA'S POV

*MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO...*

Dalawang linggo na din pala ang nakalipas nung huling nakita ko si Mrs. Howard. Kamusta na kaya siya? Sana naman okay lang siya ngayon. Kahit isang beses ko palang siya nakikita, pakiramdam ko sobrang tagal ko na siyang nakasama. Ewan ko ba kung bakit ganon yung pakiramdam ko nung nakilala ko siya basta ang alam ko lang, masaya ako nung makita ko siya. Hindi ko nga maiwasan yung ngumiti sa tuwing naalala ko yung init ng mga yakap niya eh. Sana nga siya nalang yung nanay ko. Kung ano man yung maging results ng DNA test, i-rerespeto ko yun. But for now kailangan ko muna mag celebrate kasi tapos na yung internship namin tapos one week from now graduation na namin. Finally! Malapit ko na din matupad ang mga pangarap ko, ang mga pangarap namin ni Kendrix. Hay! Sobrang excited na ako.  Maya maya pa, sa kalagitnaan ng pag mumuni munin ko  ng biglang tumunog yung cellphone ko.

*RING...RING...RING...*

"AY BULATENG NAGRIRING!" gulat na sigaw ko.

Bigla akong napahawak sa dibdib ko ng dahil sa sobrang gulat. Nakakaloka! Sino ba  yung tumatawag saakin ng ganito kaaga? Papatayin niya ba ako sa sobrang gulat ha? Nang makita ko na si Zoey pala yung tumatawag, agad kong kinuha yung cellphone ko para sagutin yung tawag niya.

"Ano ba bes! bakit ba pabigla bigla ka nalang tumatawag? Papatayin mo ba ako sa gulat ha? Sana nag text ka muna bago ka tumawag para hindi naman ako magugulat ng bonggang bongga! Kaloka to!" bungad ko.
"Ay sorry naman bes. Sobrang excited lang kasi ako eh." Tuwang tuwa na  sabi niya.
"Excited saan bes?" tanong ko.
"OH MY GOSH BES! Nakalimutan mo na? Mamayang gabi na yung grand ball  natin. May isusuot  kana ba?" Tanong ni Zoey.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now