CHAPTER 74: OUTFIT

101 5 0
                                    

ATHENA'S POV

Nang makarating kami sa bahay, agad kaming nag linis ng katawan at nag ready na sa pagtulog. Habang nakahiga sa kama ko, hindi parin maalis sa utak ko yung nangyare kanina. Totoo ba talaga to? Kami na nung taong pinapangarap ko? Gusto ko sumigaw sa sobrang saya. Hindi ko mapigilan ang kiligin eh. Ganito pala pag inlove ka noh? Para kang nababaliw na ewan. Hahaha! Kinuha ko yung unan at hinalikan ko ng ilang ulit nang biglang...

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"AY BULATENG KUMAKATOK!"

Dahil sa sobrang gulat, nahulog ako sa kama ko.

*BLAAAAGGGG*

Aray ko po! Ang sakit ng pwet ko. Nakakaloka! T______T

"Athena anong nangyare sayo? Papasok na ako ah." Sabi ni Kendrix.

Namadali akong bumangon at nahiga sa kama ko na parang walang nangyare.

"Athena ano ba yung nahulog? Nasaktan kaba?" Nag aalalang tanong ni Kendrix.

I just look at him and I smile.

"Na....na....nahulog? Wala noh." Palusot ko.
"Ganon ba? Eh ano yung narinig ko na bumagsak?" tanong niya.
"Ah.... Siguro yung pusa tumalon sa bubung naten." sabi ko.

Bigla niya akong tinignan na parang ewan ng dahil sa sinabi ko.

"Ha? Bubong? Eh wala naman tayong bubong eh. Sementado kaya yung buong bahay remember?" Sabi niya.

Oo nga noh! Bakit hindi ko yun naisip? Nakakaloka! Ang galing mo magpalusot Athena. Huli ka pero hindi ka kulong. -__________-

"Ah ganon ba? Hehehe. Nga pala bakit kaba nandito kendrix?" tanong ko.

He look at me and he smile.

"Wala lang, gusto ko lang makita yung girlfriend ko. Bakit may masama ba?" Nakangiting tanong niya.
"Nako! Ewan ko sayo Kendrix!" sabi ko.

Lumapit siya saakin at naupo siya sa tabi ko.

"Matulog kana Athena. Maaga pa tayo bukas." sabi ni Kendrix.
"Ha? Maaga saan Kendrix?" Tanong ko.

Hinimas niya yung buhok ko tapos ngumiti siya.

"Basta Athena. I promise you na mag eenjoy ka sa pupuntahan natin. But for now matulog kana okay? Kailangan mo pa ng madaming energy para bukas. Pangako, hindi ako aalis sa tabi mo. Babantayan kita hanggang sa makatulog ka okay? I love you my princess." sabi ni kendrix sabay halik sa noo ko.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko, hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

*KINABUKASAN...*

Tunog ng orasan ang gumising saakin. Grabe! Mukhang napasarap ata yung tulog ko. Ang ganda kasi ng panaginip ko eh. Sabi sa panaginip ko, umamin na daw ako kay kendrix tapos we kissed sa gitna ng malakas na ulan. Sana nga totoo nalang lahat na nangyare sa panaginip ko. Pero mukhang malabo mangyare yun. Nang maidilat ko ang mga mata ko, bumungad saakin ang maamong mukha ni Kendrix habang natutulog. Hindi nga ako nananaginip, totoo nga na akin na ngayon ang lalakeng pinapangarap ko lang dati. Imbis na gisingin ko siya, tinitigan ko nalang ang gwapong mukha niya. Ang gwapo gwapo naman ng boyfriend ko. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na akin na siya ngayon. Nakakaloka diba? Imagine, an ordinary girl na mayroong boyfriend na artista. Yung iba nga halos magpakamatay na makitablang ang mokong na to, habang ako naman araw araw ko siya nakikita pero hindi nalang basta housemate. Kundi boyfriend ko. Hay ewan. Hindi ko alam kung ano yung pinasok ko basta ang alam ko lang, masaya ako at mahal ko siya. Hehehe. Hanggang sa dahan dahan niyang idinilat ang mga mata niya. Nag madali kong ipinikit ang mga mata ko at nag panggap ba natutulog.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now