CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN

147 12 0
                                    

KENDRIX'S POV

Habang nasa stage si Athena at isinusuot sakanya ang korona at sash, pakiramdam ko nakatingin ako sa pinakamagandang babae sa buong mundo. Sobrang ganda na Athena para siyang diyosa na galing sa langit sa sobrang ganda niya. Nang matapos ang pageant, agad kaming lumapit ni Calyx kay Athena.

"Ang galing mo Athena! Nga pala flowers for you. Kami ni Kendrix ang bumili niyan para sayo." sabi ni Calyx sabay abot ng bulaklak kay Athena.
"Oo nga Athena. Sabi ko sayo eh kaya mo yan. Sobrang galing mo kanina. LODI NA KITA ATHENA." sabi ko.

Bigla akong tinignan ng masama ni Athena.

"Ay sus! HAHAHA! Baliw ka talaga. Pero salamat sainyo ahh. Kasi kung hindi naman dahil sainyo, hindi naman ako mananalo dito. Salamat ahhh."  sabi ni Athena.

Ngumiti ako sakanyan tapos bigla siyang lumapit  saamin at niyakap  kami ng sobrang higpit.

"Ay sorry. Na carried away lang ako." sabi ni Athena.

Umatras ng umatras si Athena nang bigla siyang natapilok at natumba. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang pag aalala sakanya.

"ARAY! YUNG PAA KO. GRABE ANG SAKIT!" sigaw ni Athena.

Sa sobrang pag aalala ko sakanya, Nagmadali kaming lumapit sakanya at tinanong siya.

"Athena! Okay ka lang ba?" Tanong ni Calyx.

Hindi ko matiis na makita si Athena na nasasaktan kasi parang dinudurog ang puso ko sa sobrang pag aalala. Nagmadali akong binuhat si Athena at agad na dinala sa clinic para ipagamot ang paa niya. Sabi  ng doctor,  namamaga daw ang kaliwang paa ni Athena ng dahil sa pag kakatapilok niya. Sobra akong  nag aalala sakanya. Baka hindi ko kayanin pag may nangyari sakanyang masama. Hindi ko mapapatawad sarili ko.

Makalipas ang 20 minutes, pinauwi na siya ng doctor sa school clinic. Maya maya pa, pumasok kami ni Calyx sa loob ng clinic para sunduin si Athena at ihatid siya sa bahay nila. Hanggang dito ba naman nandito si Calyx. Hay! Kailan ko kaya masosolo si Athena? Yung walang asunggot na kagaya ng Calyx na to. Nako kung hindi lang dahil kay Athena, hindi ko naman  papakisamahan tong lalake na to eh. Nakakainis kasi siya! Inaagaw niya kasi si Athena saakin eh.

"Tara na Athena. Hatid ka namin sa bahay niyo." sabi ni Calyx.
"Nako wag na. Kaya ko naman mag lakad eh." sagot ni Athena.
"Sigurado ka ba? Ehh mukhang hindi mo pa kaya eh." sabi ni Calyx.
"Tignan niyo ahh. Kaya kong mag lakad mag isa."

Tumayo si Athena at sinubukan mag lakad pero bigla siyang natumba at napasigaw sa sobrang sakit.

"ARAY! Ang sakit!" sigaw ni Athena.

Muntik na sana siyang matumba ng dahil sa tigas ng ulo niya. NAKAKAINIS TALAGA TONG BABAENG TO! Buti nalang nasalo siya ni Calyx. Kahit nagseselos ako atleast alam ko na ligtas yung taong mahal ko. Kasi kung hindi na salo ni Calyx si Athena siguro nabagok na ang ulo ng babaeng to. Kahit papano may silbi din naman pala tong loko na to eh. Pero hindi ako mag papatalo kay Calyx. Gagawin ko ang lahat wag lang maagaw ni Calyx si Athena saakin. Akin lang si Athena ehh. At pag lalaban ko siya hanggang dulo.

NAKAKAINIS! Nag seselos ako ng dahil sa nakikita ko. Hindi ko na kayang tiisin to eh. Lumapit ako kaya Athena,  binuhat ko siya at isinakay sa likod ko. Sa ayaw niya man o sa gusto, wala naman siyang magagawa eh. Wala akong paki alam kung anong iisipin niya basta gusto ko lang maihatid siya sa bahay nila ng ligtas. Yun lang yung intention ko. Wala nang iba.

"Ano ba Kendrix. Ibaba mo nga ako! Kaya ko naman lumakad mag isa ehh." sabi ni Athena habang hinahampas sa likod ko.

Bigla akong tumigil sa paglalakad.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now