CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY

157 11 0
                                    

ATHENA'S POV

Makalipas ang 10 minutes, nakarating na kami sa gymnasium. JUICECOLORED! Nangangatog ang mga tuhod ko sa sobrang kaba. Kaya ko ba to? Bakit ba kasi pumayag pa ako na sumali sa pageant na to. NAKAKALOKA!

Habang nakatayo sa labas ng gymnasium parang ayoko ko na maglakad papasok sa sobrang kaba na nararamdaman ko.  At sa gitna ng pagmumuni muni  ng bigla akong kinausap ni Kendrix.

"Kinakabahan ka ba Athena?" tanong ni Kendrix.
"Oo ehh. Kinakabahan ako." Sagot ko.

Maya maya pa, dumating na yung Floor director ng pageant at kinausap ako.

"Ahhm excuse me for interrupting your sweet moments noh? Pero mag sisimula na kasi yung pageant in 10 minutes. Kailangan mo na mag palit at mag ayos." -Floor Director.

ANO DAW? SWEET MOMENTS? HINDI BA PWEDENG NAG UUSAP LANG?  SWEET MOMENT KAAGAD? NAKAKALOKA NAMAN TO!

"Ahh sige. Susunod ako." sagot ko.

Tinignan ko si Kendrix at nag paalam muna.

"Sige Kendrix. Mauna na muna ako ah? Kita nalang tayo mamaya."

Papaalis na sana ako nang biglang hinawakan ni Kendrix ang kamay ko sabay yakap ng mahigpit saakin. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa biglaang pag yakap saakin ni Kendrix.

"Wag ka ng kakabahan. Nandito lang ako para suportahan ka." bulong ni Kendrix.

JUICECOLORED! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang dahil sa sinabi ni Kendrix. Mukhang lalo ata akong kinabaha eh ng dahil sa mokong na to. Pero in fairness, medyo gumaan ang pakiramdam ko nung niyakap ako niya ako. Maya maya pa, lumapit ulit saamin yung floor director ng Miss S.H pageant.

"Ahm excuse me? Nandito pa ako oh?" Sabi ng floor director.

Bigla akong kumalas sa pag kakayakap ni Kendrix saakin. NAKAKALOKA! NA CARRIED AWAY LANG SIGURO AKO NG BONGGANG BONGGA! Pero parang gusto ko naman. CHAROT!  LANDE EH NOH! HAHAHA!

"Sige ahh, punta na ako doon. Salamat sa pag suporta. Makakabawi din ako sayo." sabi ko.
"Nako wag mo yung isipin. Ang isipin mo ngayon yung pageant. Kaya mo yan Athena. Kaya mo yan!" Nakangiting sabi ni Kendrix.

Ngumiti nalang ako at pumunta na sa dressing room para magpalit at mag ayos na. Habang papunta doon ng makita ko si Angel doon.

"Ohh hello Athena. Anong ginagawa mo dito? Nandito kaba para suportahan ako?" Tanong ni Angel.
"Ahh hindi eh. Ako kasi yung pinalit nila doon sa nag backout na kandidata." sabi ko.

Bigla akong tinignan ni Angel simula ulo hanggang paa habang nakataas ang kilay.

"Oh? So ikaw pala ang sinasabi nila na papalit sa looser na yun. Alam mo ba kung bakit siya nag backout?" Tanong ni Angel.
"Bakit nga ba?" Tanong ko.
"Kasi alam niya na wala siyang laban saakin. And for your information Athena, sigurado ako na ako ang mananalo sa pageant na to. Dahil ako lang ang nag iisang reyna ng S.H University. Kaya nga walang ibang nag tatangka na kalabanin ako eh. Maliwanag ba?" Sabi ni Angel.

NAKAKALOKA! Bumalik na ba ulit yung Angel na BRUHA? Hala? Akala ko nag bago na siya? HINDI NAMAN PALA. Tama si Zoey, ONCE A BRUHA, ALWAYS A BRUHAJUICECOLORED! NAKAKASHOKOT! T__T

"Ano? Bakit di ka makasagot? Umurong na ba yang dila mo sa takot ha?" Tanong ulit ni Angel habang nakataas ang kilay.
"Ha? Hindi ah." sagot ko.
"So bakit hindi ka makasagot sa tanong ko?"

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon