CHAPTER 7: ASSUMING

298 18 0
                                    

ATHENA'S POV

Kumuha ako ng libro tapos nilapitan ko si Kendrix at pinukpok ko siyanng ilang ulit.

"MANYAK KA! MANYAK! MANKYAK! TULONG! TULUNGAN NIYO AKO. MAY RAPIST DITO." sigaw ko.

Pero parang hindi naman siya nasasaktan sa ginagawa ko sakanya. Ganon ba talaga kamanhid tong mokong na to? Pero in all fairness, ang ganda ng katawan niya ah. Meron siyang 6 packs abs. SHEEEEEET! Breakfast na ba? Sarap kasi ng mga pandesal eh. CHARING! Hahaha. EWWWWWWWW! Ano ba Athena? Ano bang sinasabi mo? Nababaliw kana ba? Kaloka! Kung siya nalang ang natitirang lalake sa mundo, JUICE COLORED! MAGPAPAKAMATAY NALANG AKO. Kaloka ah. Kapal siguro ng balat ng lalakeng to.

"Hoy Kendrix. Bumangon ka diyan!" Sigaw ko.

Hindi siya sumagot saakin. Tulog ba siya? O nagiinarte lang? Kaloka! Habang nakatitig kay Kendrix, nakita ko na nanginginig siya sa lamig. Eh bakit naman kasi nakahubad ka ha? Kundi ka naman pala baliw. Abnormal ka talaga! Pero hindi ko mapigilan ang mag alala. Nilapitan ko siya tapos tinapik yung balikat niya.

"Hoy Kendrix. Di mo ba ako naririnig? Bingi ka ba? HOY!" sabi ko habang tinatapik ang balikat niya. Pero hindi parin siya sumasagot. Pero nanginginig parin siya.

"Teka inaapoy ka ng lagnat ah? Okay ka lang ba? TULONG! TULUNGAN NIYO PO KAMI!"

Sumigaw ako ng sumigaw pero parang walang nakakarinig saakin. Ano pa bang aasahan ko? Eh ang layo ng guard house dito. KALOKA! T__T

"Hoy Kendrix! Sumagot ka naman! Ano ba? Nag aalala na ako!" sabi ko.

Hinubad ko ang jacket ko at isinuot ko sakanya. Pero nanginginig parin siya. Di ko na alam ang gagawin ko. Natataranta na ako. Isip Athena! Isip! Paganahin mo yung utak mo. Tama! Kukuha ako ng kumot. Yun yung the best thing para gawin. Pero teka nga lang. BOBO KABA ATHENA? SAAN KA KUKUHA NG KUMOT DITO SA LIBRARY? Hay ang TANGA ko talaga!

Deserve niya ba na alagaan matapos ng ginawa niya saakin? Pero hindi naman ako ganon kasama diba? Di ko naman kaya makita na nahihirapan ang isang tao kahit kaaway ko pa siya. Mabait ako eh. Baka nga kunin na ako ni Lord sa sobrang bait ko. CHAROT! HAHAHA!

Makalipas pa ang ilang minuto lalo pang tumaas ang lagnat ni Kendrix. Wala naman kumot dito. Ehhh ano kaya kung yakapin ko nalang siya? Pero paano pag nagising siya. Ano nalang kaya ang iisipin ng abnormal na to? NA PERVERT AKO? Kaloka! Wag na uyy. Bahala siya sa buhay niya. Wala naman siyang pakialam saakin eh. Ganti - ganti lang. Ganon! Pero di ko naman kayang makita siya na nahihirapan. Ano ba yan naguguluhan ako. Yayakapin ko ba siya o Hindi?? Paano kung malaman ito ni Angel? Sigurado lagot ako neto. Ano ba yan! Ang gulo naman. Huhuhu! T__T

Pero habang tinignan ko si Kendrix, nakikita ko siyang nahihirapan. Hindi kaya ng konsensya ko na hayaan lang siya dyan. Wala na akong paki alam sa sasabihin ng iba eh. Bahala na nga!

Niyakap ko si Kendrix para mabawasan ang lamig na nararamdaman niya. Hanggang sa napatitig ako sakanya. Ang gwapo pala ng mokong na'to pag malapitan at mukhang sobrang bait, PAGTULOG. Hahaha! Sana naman di na niya ako asarin araw araw. Nakaka sawa na din eh. Habang nakatitig ako sakanya nang biglang nag salita si Kendrix habang natutulog.

"S.....o...sorry Athena. Alam ko mali ang mga ginawa ko sayo. Sana mapatawad mo ako."
Nanghihinang sabi ni Kendrix.

Tama ba ang narinig ko? Nag sorry siya saakin? MARUNONG PALA SIYA NON. Kaloka ka! Kailangan mo lang pala mag kasakit para makapagsorry ka? Pero hindi ko parin makalimutan na ninakaw na niya ang first kiss ko. Ang sama sama talaga ng ugali ng mokong na to. Pero.... Pero paano kung nakita sa CCTV yung paghalik niya saakin? Tapos yung fake engagement? Kaloka! Paano kung may nakakita non? Paano kung magviral yun? Paano kung i-bully ako ng buong school? JUICECOLORED! Kasalanan lahat to ng abnormal na yun! ARRRRRRGGGGH! Nakakainis ka Kendrix! BWISET! >__<

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now