CHAPTER 21: COMPLICATED

235 18 2
                                    

KENDRIX'S POV

Sinundan ko lang si Athena hanggang makarating siya sa bus stop. Nang biglang may lumapit na tatlong lalake kay Athena at sinasaktan siya. Hindi ko kaya na makita na sinasaktan si Athena ng ibang tao. Lumapit ako sa mga lalake at nakipag suntukan sakanila.

Nang mailigtas ko si Athena sa mga loko lokong yun, bigla kong narealized na hindi ko kayang mawala si Athena saakin. Siguro nga ganon na kalalim ang pag mamahal ko para sakanya. Hindi ko man alam kung anong meron siya para mahulog ako sakanya ng ganito. Basta ang alam mahal ko si Athena. Mahal na mahal.

Biglang tumakbo papunta saakin si Athena at niyakap ako ng sobrang higpit habang umiiyak. Ramdam na ramdam ko ang takot na nararamdaman niya ngayon. Pero nandito lang ako para sakanya. At hinding hindi ako mawawala para sa babaeng mahal ko.

"Okay lang yan. Nandito na ako, wag kana matakot." sabi ko habang hinihimas ang likod niya.

Nang biglang nawalan ng malay si Athena. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang nag aalala ako para sakanya.

"Athena? Okay ka lang ba?" sabi ko habang tinatapik ko siya.

Nag madali akong binuhat si Athena at dinala siya sa ospital. Hinawakan ko lang ang kamay ni Athena hanggang sa nakarating kami sa ospital. Sobrang kaba ang nararamdaman ko habang hawak ko ang kamay ni Athena. Ayoko na mawala siya saakin eh. Hindi ko kakayanin pag nawala siya. Nang makarating kami sa ospital, agad naman tinignan ng doctor ang lagay ni Athena.

"Ikaw ba ang boyfriend ng patient?" tanong ng doctor.
"Ah hindi po doc. Kaibigan niya lang po ako. Kamusta na po siya doc? Ano po ba ang lagay niya?" sabi ko.
"Sobrang takot at stress lang ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. But your friend is fine now. Wag ka nang mag aalala. Okay na siya." sabi ng doctor.
"Salamat po doctor." Sabi ko.
"Ikaw sure ka ba na okay ka lang?" tanong ng doctor.
"Opo doc. Okay lang po ako." sagot ko.
"Alam mo, base sa mga nakita ko kanina the way you look at her and care for her says that you like her. You really like her that much huh? You know what, bagay na bagay kayong dalawa ng kaibigan mo. I can see the chemistry between the two of you. If I were you, liligawan ko na siya. Hindi ko na papalampasin yung moment. Kasi hindi ako papayag na mawala pa siya saakin. Kailan kapa kikilos? Pag masaya na siya sa iba? Kaya ligawan mo na siya." sabi ng doctor.

Nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi nung doctor. Napakamot nalang ako sa ulo ng dahil sa sinabi niya. Grabe! Sweet lover pala to si Doc. Hahaha! But seriously speaking, dapat ba talaga na ligawan ko na si Athena? Natatakot ako eh. Natatakot ako na baka isang araw iwasan niya ako pag nangyari yun. Hay! Di ko alam! DAMN IT!

"Ahh hindi naman po ako ang type niya eh." Sagot ko.
"Sa pag ibig, kung kayo talaga ang para sa isa't isa. Edi kayo din hanggang sa dulo. Tanong ko sayo, mahal mo ba siya?" tanong ni doc.
"Opo doc. Mahal na mahal ko po siya. Matagal ko na din po siyang gusto kaso natatakot po ako na umamin sakanya kasi po baka hindi niya ako tanggapin at mahalin." sabi ko.

Tiningnan ako ni Doc na parang ewan habang nakangiti.

"Yun naman pala eh. Kailan mo ba balak pag laban ang pagmamahal mo para sakanya? Kapag nakahanap na siya ng iba?" sabi ni doc.

Tama si doc. Dapat ngayon palang mag simula na ako na ipakita na mahal ko si Athena. Hindi na ako mag sasayang ng panahon.

"Pag isipan mo ang sinabi ko ah. Sige mauna na ako. Hay mga kabataan nga naman." sabi ng Doctor.

Nang makaalis na ang doctor, Lumapit ako kay Athena at naupo sa tabi niya. Hinintay ko na magkamalay siya. Kasi gusto ko na ako ang unang makita niya pag dinilat niya ang mga mata niya. Kahit tulog si Athena sobrang ganda parin niya. Para siyang si sleeping beauty na naghihintay ng halik para gumising galing sa mahimbing na pagkakatulog. Siguro pag naging kami na, ako na ata ang pinaka swerte at pinaka masayang lalake sa buong mundo. Alam ko hindi maganda ang naging simula namin, pero pangako babawi ako sa lahat ng kalokohan na nagawa ko sakanya. Sana ako nalang ang piliin mo Athena. Sana akin ka nalang.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon