CHAPTER 73: SIGNS

106 8 0
                                    

ATHENA'S POV

Nang matapos na akong maglinis ng buong bahay, napansin ko si Kendrix na natutulog habang nakaupo sa sofa. Para siyang manok eh. Lumapit ako sakanya para gisingin siya. Kawawa naman siya eh. Baka sumakit yung leeg niya. Naupo ako sa harapan niya at tinitigan yung mukha niya. Ang perfect na sana ng mokong nato eh. Kaso ang wierd lang nga kung minsan. Pero kahit ganon, ang pogi parin eh. Ang tangos ng ilong niya, ang lambot ng labi at mga pisnge niya. Makakapal na kilay at mahahabang  pilik-mata. Over all, almost perfect. No wonder ang daming nagkakagusto sa mokong na to. Ngayon narealize ko na ang swerte swerte ko pala. Kasi yung iba halos magpakamatay na makita lang ang mokong nato samantalang ako araw araw kong nakakasama at nakaka away. Nakakaloka diba? Hahaha.

Habang nakatitig ako sa mukha ng bigla niyang dinilat ang mga mata. Bigla kaming nagkatitigan  tapos ang sumunod nalang...

HINALIKAN NIYA AKO! O______o

Biglang nanlaki yung mga mata ko ng dahil sa nangyare. Kasabay ng paghalik niya saakin, ang paghulog ng mga confetti na galing sa taas.  Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko biglang tumigil ang pag andar ng oras ng dahil sa mga nangyare. Matapos ng ginawa niya, kinuha niya yung unan,  nahiga na ulit sa sofa at natulog ulit na parang walang nangyare. Nakakaloka! Nakarami na tong mokong na to eh. Parang sumusobra na ata siya eh. Masasapak ko na talaga to eh. Pigilan niyo ako dali! Nang gigigil talaga ako sa mokong na to. >________<

"HOY KENDRIX! BUMANGON KA DIYAN! BILIS!" sigaw ko.

Ah ayaw mo ha? Tumayo ako at sinapa yung paa niya.

"ANO KENDRIX? HINDI KABA BABANGON DIYAN? BUMANGON KA DIYAN! MAGSUNTUKAN TAYO DALI!" sigaw ko sabay sipa sa paa niya.

Nakailang sigaw na ako pero ayaw niya paring magising. Sinapa ko na siya't lahat lahat pero wala eh, tulog parin ang mokong. Ganon na ba siya kamanhid para hindi maramdaman yung sipa ko? Kaloka! -______-

"EDI KUNG AYAW MO EDI WAG! BAHALA KA DIYAN SA BUHAY MO! PERVERT!" sigaw ko ulit.

Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta nalang ako sa kwarto ko. Pero habang nakahiga sa kama ko, hindi parin maalis sa isip ko ang mag alala sa mokong na yun. Ano na kayang nangyayare sakanya dun sa labas ngayon? Baka sobrang nilalamig na siya doon. Pero teka nga Athena! Bakit ka ba nag aalala sa mokong na yun ha? Hayaan mo siya manigas doon! Ipinikit ko nalang ulit yung mga mata ko pero hindi ko talaga maiwasan na mag alala eh. NAKAKAINIS! Nagmadali akong tumakbo papalabas para kumutan si Kendrix.

"Pasalamat ka mahal kita! Kasi kung hindi baka nanigas kana dito sa lamig. Hmp!" bulong ko.

Pinatay ko nalang ang mga ilaw at bumalik nalang sa kwarto ko. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

*KINABUKASAN...*

Paglabas ko ng kwarto ko, mukha agad ni mokong yung bumungad saakin. Nakaupo siya sa may dinning table habang nakangiti saakin.

"Good morning Athena! Nagluto nga pala ako ng masarap na pancakes para sayo. Tara kain tayo!" Nakangiting bungad ni Kendrix.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Aba! Bumabawi yung mokong. Hehehe! Nakakaloka! Naupo ako sa tabi niya at nag umpisa ng kumain.

"Ahm Athena, tungkol pala doon sa nangyare kagabi. Dapat hindi ko ginawa yun ng hindi nagpapaalam sayo. Ang totoo kasi niyan Athena, MATAGAL NA KITA GUSTO. MAHAL NA MAHAL KITA ATHENA." seryosong sabi ni Kendrix.

Biglang bigla akong napahinto sa pagkain ng dahil sa sinabi niya. JUICECOLORED! Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Rinig na rinig ko nga sa sobrang lakas ng tibok eh. Pakiramdam ko umurong yung dila ko ng dahil sa narinig ko. Hindi ko alam yung gagawin ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong tumalon sa sobrang saya. Ewan ko ba! Bahala na! Eto na to.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now