CHAPTER 78: GRADUATION

151 8 0
                                    

ATHENA'S POV

Habang nangyayare yung lahat, bigla akong nawalan ng malay basta pag gising ko nalang nasa hospital na ako. Nakita ko si Kendrix na nakatulog na sa tabi ko habang hawak yung kamay ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na si Kendrix at yung bata na nagbigay saakin ng kwintas sa hospital nung bata pa ako. Imagine, boyfriend mo na ngayon yung pinaka unang crush mo? Tapos nakilala ko na yung biological mother ko. Akala ko sa panaginip ko lang mangyayare ang mga ganitong bagay but I was wrong. FAIRYTALES DO HAPPEND. Ngayon mas naniwala na ako na pwede palang mangyare ang lahat ng wish mo basta maniwala ka lang. Nakakaloka! Hanggang ngayon hindi parin nag sisink in sa utak ko yung lahat ng nangyare ngayong araw. Konting konti nalang talaga, mababaliw na ako ng bonggang bongga kakaisip. T________T

Maya maya pa, habang hinihimas ko ang buhok ni Kendrix, nagising na siya.

"Oh Athena gising kana pala. Kamusta na yung pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Ano tatawag na ba ako ng doctor?" tanong ni Calyx.

Hay nako! Ang O.A naman ng boyfriend ko mag alala. But still, I find it really cute. I look at him and I smile sabay pisil sa pisnge niya.

"Ano kaba Kendrix. Okay lang ako. Wag kana mag alala okay?" nakangiting sagot ko.
"Buti naman okay ka lang Athena. That makes me feel better." sagot ni Kendrix.

Maya maya pa, sa kalagitnaan ng pag uusap namin ni Kendrix ng biglang dumating si Mrs. Howard.

"Buti naman gising kana anak. Kamusta yung pakiramdam mo?" Tanong niya.
"Okay na po yung pakiramdam ko Mrs. Howard." sagot ko.

She just look at me and she smile.

"Athena wag mo na akong tawaging Mrs. Howard. Mama nalang please?" sabi niya.
"Opo mama." Nakangiting sagot ko.

Sobrang sarap talaga sa pakiramdam na may tinatawag kang mama. Akala ko hindi na mangyayare yung araw na to eh, but I was wrong. Hindi ko alam yung gagawin ko eh. Parang gusto kong tumalon, sumigaw at humiyaw sa sobrang saya. Ganito pala yung feeling ng may nanay na handa kang alagaan at mahalin. Ngayon masasabi ko na isa ako sa pinaka swerteng tao sa mundo kasi meron akong boyriend at mama na super loving and caring. Hehehe.

"Mama na saan na po si Angel?" tanong ko.
"Pinaghahahanap parin siya ng mga pulis anak. Kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng ginawa niya sayo. Sobrang nagkamali ako nung kinupkop ko siya. But I promise you anak, hindi ako titigil hanggang hindi siya nahuhuli. Wag kang mag alala nak ha? Mama is always here to protect you." sabi ni mama sabay yakap saakin ng sobrang higpit.
"I love you mama." sabi ko.
"Mama loves you too anak." sagot niya.

Sa gitna ng mother daughter bonding, nang biglang sumabat si Kendrix.

"Pwede din po ba akong sumali sa yakapan niyo?" Tanong ni mokong.

Bigla siyang tinignan ni mama ng may blankong reaction sa mukha. Nakakaloka! Bakit ganyan siya tignan ni mama? KASHOKOT! T______T

"Of course son. Pwedeng pwede! Lahat ng mahal ng anak ko, mahal ko na din including you. Welcome to the family Kendrix." nakangiting sabi ni mama sabay yakap kay Kendrix.

Nakakaloka! Yun lang pala, akala ko naman kung ano. OH EM GEE! So ibig sabihin neto... Gusto ni mama si Kendrix para saakin? O_______o

JUICECOLORED! UMIYAK NG BONGGANG BONGGA YUNG KILI KILI KO SA SOBRANG KABA. -______-

*MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO...*

Maaga akong nagising para magprepare. Hanggang ngayon hindi parin na huhuli si Angel. Syempre nandoon parin yung takot na baka isang araw bumalik siya at pagbantaan niya ulit ang buhay ko pero as long as nandiyan si Kendrix, feeling ko safe ako. But for now, ayoko munang isipin yan. We need to celebrate kasi eto na yung araw na pinakahihintay ko, ang graduation day. Finally matatapos na din yung isang school year na punong puno ng lungkot at saya. Kahit isang taon lang ako nag stay sa university na to, I can say na sobrang nag enjoy ako, lalo na nung nakilala ko si Kendrix. Oo inaamin ko, hindi nga naging maganda yung unang pagkikita namin pero magtatapos naman sa napakagandang ending. Sobrang dami ng nangyareng disaster sa buhay ko simula nung nakilala ko siya but that experience makes me stronger. Imagine, natuto akong lumaban ng dahil sa mokong na yun hahahaha. And I must say, this is one of the best memories I ever had. Habang nag aayos ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now