CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY

106 6 0
                                    

ATHENA'S POV

*MAKALIPAS ANG ILANG ARAW...*

Ilang araw na din pala ang nakalipas ng hindi ko pinapansin si Kendrix. Well, awkward parin eh ng dahil dun sa nangyare. Oo inaamin ko, sobrang hirap iwasan ng taong mahal mo. Pero, hindi ko hahayaang sirain ng mokong na yun ang masayang araw ko. Because today is my 21st birthday! Hehehe.

Agad kong kinuha yung cellphone ko para i-check kung may bumati na saakin. Pero kahit isang text wala akong nakita. Siguro tulog pa silang lahat kaya hindi pa nila ako binabati. Well maghihintay nalang ako. Baka magtext na sila eh. Pero nakalipas na ang ilang oras wala parin akong natatanggap natext galing sa mga importanteng tao sa buhay ko. Hanggang sa trabaho ko, naghintay parin ako ng naghintay pero wala talaga eh. Hay ewan! Siguro nakalimutan nila yung birthday ko. Hanggang sa naisipan kong tawagan si Zoey.

"Hi bes! Wala ka bang nakakalimutan ngayon?" Sabi ko.

["Ha? Nakakalimutan? Parang wala naman bes. Bakit?"] Sagot ni Zoey.

"Ah wala naman bes. Natanong ko lang. Baka kasi nakalimutan mo na sobrang ganda mo." sabi ko.

Biglang natawa ng sobrang lakas si Zoey ng dahil sa sinabi ko.

["Eh bakit ko naman makakalimutan yung kagandahan ko? Eh araw araw kaya ako tumitigin sa salamin."] sagot ni Zoey.

Hindi na ako sumagot at tumawa nalang.

["Oh sige bes, ibaba ko na yung tawag ah. May ginagawa kasi ako ngayon. Sorry bes! Babye!"] sabi niya.

Pagkababa ng tawag ni Zoey, agad kong sinubukan tawag si Calyx. Pero sa kasamaang palad, unattended yung phone niya. Siguro busy siya ngayon. Nakalimutan na nga nila yung birthday ko. T______T

*****

Papasok palang ako sa pinto ng apartment namin, hindi ko na makita yung daanan papunta sa kwarto sa sobrang dilim. Nakakaloka! Brownout ba? Pero mukha malabo naman mangyare yun kasi nanunuod nga ng TV yung kapitbahay namin eh. Hindi kaya nakalimutan ng mokong na yun magbayad ng bill sa meralco? Eh nung isang araw pa ako nagbilin na bayaran na niya yung bill pero hindi niya nagawa? Nako! Kahit kailan talaga nakakaloka yung mokong na yun eh. Nang biglang bumukas yung ilaw.

"SURPRISE"

Bigla akong napatalon sa sobrang gulat. Kasabay ng pagsigaw nila ang pagputok ng party poppers kaya nagulat ako. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sina tita Alex, tito Kennedy, Maxine, Dwayne, Calyx at Kendrix. Grabe! Ang cute nung decoration ng mga hello kitty  balloons malapit sa sofa.

 Grabe! Ang cute nung decoration ng mga hello kitty  balloons malapit sa sofa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumapit ako sakanila isa isa at niyakap sila ng sobrang higpit.

"Happy birthday nak!" sabi ni tita Alex at ni tito kennedy.
"Happy birthday Ate Athena! Grabe! Ang tanda tanda mo na oh. Pero kahit ganon mahal parin kita ate!" sabi ni Maxine.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon