CHAPTER 52: MICKEY MOUSE

102 4 0
                                    

ATHENA'S POV

Papunta na sana ako ng kusina ng makasalubong ko si Manang Ester. Tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa habang nakangiti. Patay! Nakalimutan ko pala na mag palit ng damit. Hay! Baka kung ano na yung iniisip ni manang Ester saakin. Baka kung iniisip niya na may nangyare saamin ni Kendrix. NAKAKAHIYA! T______T

"NAKO! MALI PO YUNG INIISIP NIYO! WALA PONG NANGYARI SAAMIN NI KENDRIX! NABASA PO KASI YUNG DAMIT KO NG ULAN KAYA PO PINAHIRAM NIYA MUNA AKO NG LONG SLEEVES. MANIWALA PO KAYO MANANG ESTER." Sabi ko.

Bigla akong tinignan ni manang Ester ng may blankong reaction sa mukha.

"Ha? Ano ba yung sinasabi mo Ma'am Athena? Tinititigan ko po kayo kasi sobrang ganda niyo po. Kaya no wonder na palagi kang na kukwento ni Kendrix saakin." nakangiting kwento ni manang Ester.

Bigla namang nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko yung sinabi ni Manang Ester.

"Nakukwento po? Ano naman po ang kinukwento ni Kendrix tungkol saakin? Sinisiraan niya po ba ako sainyo?" Tanong ko.
"Sinisiraan? Nako hindi ah. Puro magagandang bagay nga yung kinukwento niya tungkol sayo. Tsaka tama pala yung sinasabi niya, para ka ngang anghel sa sobrang ganda. Kaya pala ma........"
"Kaya pala ano po?" tanong ko.

Bigla siyang tumawa ng malakas na parang ewan. Hay ano ba kasing nangyayare sa mga tao dito? Nababaliw na ba sila? Hay baka nahahawa to ah? KASHOKOT! -______-

"Wala. Matanda na nga ako. Kasi kung ano ano na yung nasasabi ko. Haha. Nga pala, anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?" tanong ni manang Ester.
"Ah pagluluto ko po sana si Kendrix ng paborito niyang sinigang. Para makakain at makainom na po siya ng gamot." sabi ko.
"Gusto niyo ako nalang po ang magluto para sainyo ma'am Athena?" -Manang Ester.
"Nako wag na po manang Ester. Ako na po. Tsaka gusto ko din po ipagluto si Kendrix eh. Alam ko kasi po yung timpla na gusto niya eh." Nakangiting sabi ko.

She look at me and she smile.

"Oh sige po ma'am Athena. Kung yan po yung gusto niyo." -Manang Ester.
"Wag niyo na po akong tawaging ma'am Athena Manang Ester. Athena nalang po."  sabi ko.

Hindi na sumagot si Manang Ester sa sinabi ko at ngumiti nalang.

"Athena paano ba kayo nag kalilala ni Kendrix?" -Manang Ester.
"Ay nako. Mahabang kwento po manang Ester. Pag nag kwento po ako, baka abutin tayo ng umaga dito hahaha." biro ko.

Tinignan niya ako tapos ngumiti siya saakin.

"Handa ako makinig." sabi niya.

Hay nako. Si manang Ester parang bata na gustong gusto makinig sa mga fairytales. Ang cute. Hehehehe.

"Ah kasi po araw araw niya akong inaasar at binubully nun eh. Hindi po lumilipas yung isang buong maghapon na hindi niya ako inaasar. Pero ngayon po magkaibigan na kami. Hehehe." Kwento ko.
"Nako pag pasensiyahan mo na yang alaga ko ah. Makulit talaga yan kahit nung bata pa siya. Akala ng marami masungit at basagulero siya pero hindi naman. Ginagawa niya lang yun para mapansin siya ng dad niya. Pero sobrang mapagmahal at malambing siyang bata. Hindi na nga ako nakapag asawa ng dahil sa kanila eh. Pero hindi ko yun pinagsisisihan kasi alam ko na napalaki ko sila ni Kaycee ng mabait at responsableng bata." Nakangiting kwento ni manang Ester.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Tama si Manang Ester, lumaking mabait, mapagmahal at maalaga si Kendrix lalo na pagdating kay Kaycee. Ako kaya? Kailan niya kaya ako mahahalin? CHAROT! HAHAHA! Makalipas ang 30 minutes, natapos na akong magluto ng sinigang para kay Kendrix.

"Ang bango naman. Pwede na talaga  kayong magpakasal ni Kendrix."

Biglang nanlaki yung mga mata ko ng dahil sa sinabi ni manang Ester. Ano daw? KAMI NI MOKONG? MAGPAPAKASAL? KALOKA AH! -_______-

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now