CHAPTER 61: CAMPING

99 6 1
                                    

ATHENA'S POV

After nung nakapag usap kami ni Kendrix at nalinaw na ang lahat ng bagay, lalo pa kaming napalapit sa isa't isa. Halos araw araw magka usap at magkatext kami. Sabay din kami kumain ng breakfast, dinner at lunch since magkalapit lang naman yung work place namin. Tsaka mas buti na din yung ganito noh, atleast nakakasama ko si Kendrix tapos nasisigurado ko na hindi siya nalilipasan ng gutom. Parang pakiramdam ko nga hindi kumpleto yung araw ko kapag hindi kami sabay kumain eh. Hindi narin kami madalas mag away. Tapos pag day off naman namin, mahapon lang kami nanunuod ng movie, kumakain ng maanghang na pagkain, pumupunta sa kung saan saang lugar at nag lilinis ng buong bahay. Ganon umiikot yung buhay namin simula nung tumira kami sa isang bahay. Kahit sobrang toxic at hectic ng mga schedules namin, were still enjoying it basta magkasama kami. Sana nga ganito nalang palagi eh.

*****

Maaga kaming nagising ni Kendrix para mag prepare ng mga dadalhin namin para sa camping namin. Lahat ng graduating student lang yung pwedeng sumama sa camping. Sobrang excited na ako sa pupuntahan naming lugar. Balita ko maganda daw yung mga tanawin dun at sobrang ganda ng beach. Iniimagine ko palang yung lugar na eexcite na ako eh. Ano kaya kung nandon na mismo ako diba? Baka mabaliw na ako sa sobrang ganda ng lugar. Pero mas baliw ako kay Kendrix. CHAROT! HAHAHA!

@THE UNIVERSITY...

Habang nag hihintay sa pag dating ng mga kasama namin nang biglang nag salita si Mr. Martinez.

"Okay students listen, since magka-camping tayo malapit sa dagat, kailangan niyong i-grupo ang inyong mga sarili, 5 members per group para masiguro natin ang safety ng isa't isa while nasa camping site tayo. Okay now, you can group yourselves into five members." -Mr. Martinez.

Lumapit saakin si Calyx, si Kendrix at si Zoey.

"Bes kulang pa tayo ng isa oh." sabi ni Zoey.
"Oo nga eh. Sino kayang pwede?" sabi ko.

Lumingon lingon ako para maghanap ng panglimang member ng grupo namin. At sa hindi inaasahang pagkakataon lumapit saakin si Angel.

"Hi Athena! Pwede ba dito nalang ako sa group niyo? Kumpleto na kasi yung iba eh. Since friends naman tayong lahat diba? Sige na please?" sabi niya habang nag papacute.

Ano daw? Friends? Nakakaloka! Eh halos kalbuhin na nga ako ng babaeng to para kay Kendrix, tapos ngayon sasabihin niya friends kami? JUICECOLORED! Nababaliw na ata tong babaeng to eh.

"TAYO? FRIENDS? NAKO HINDI NOH! FRIENDS MO MUKHA MO!" Sabi ni Zoey.
"Bakit kaba ganyan Zoey? I'll just want to be friends with you eh. Tsaka nag bago na ako." Kalmadong sabi ni Angel.
"Nako! Anong drama yan ha? Napanuod ko na yan sa teleserye eh. Nakakaloka! Oy Demonyitang Angel tandaan mo to ah, wag kang lalangoy sa dagat okay?" sabi ni Zoey.
"What the hell are you talking about? Hindi ko maintindihan eh." sabi ni Angel.
"Okay sige, ipapaliwanag ko sayo. Wag na wag kang lalangoy sa dagat baka ma pollute pa yung dagat tsaka baka LUMUTANG KA LANG EH."

Siguro nung nag paulan ng kaplastican yung langit, siya lang yung gising tapos sinalo niya pa lahat ng kaplastican sa mundo. No wonder polluted na mundo ng dahil sa kaplastican ng babaeng to. Bakit kaya hindi na niya sabihin ng diretcho na nandito siya para kay Kendrix? Nakakaloka! -_______-

"Tama na nga yan okay? Sige na. Pumapayag na ako na dito kana mag stay sa group namin." sabi ko.

Sa totoo lang ayoko naman talaga siyang kagrupo eh, but I really have no choice. Para matapos na yung gulo. Naiirita na din kasi ako sa boses ng babaeng to eh. Tsaka okay nga yun na nandito siya sa grupo namin eh, Atleast incase na lumubog yung bangka na sinasakyan namin, kakapit lang kami sakanya tapos lulutang na kami. Ang galing diba? Kahit papaano may benifits din pala yung may kaibigan kang PLASTIC. Hahaha!

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon