CHAPTER 60: BABYSITTER

107 6 0
                                    

ATHENA'S POV

Habang naglalakad kami papunta sa apartment namin, kitang kita ko na sobra sobrang nahihirapan na si Kendrix sa bigat ng mga gamit ko. Kahit hindi niya sabihin alam ko nahihirapan na siya. Hay! Kawawa naman si mokong oh.

"Kendrix ako nalang magdala ng ibang gamit ko." sabi ko.

He look at me and he smile.

"Wag na Athena! Ako nalang. Kaya ko naman eh. Kunin mo nalang yung susi sa bag ko." sabi niya.

Hindi na ako sumagot at hinahap nalang yung susi sa bag niya. Grabe! Ang hirap hanapin nung susi sa dami ng laman nung bag niya.

"Ah eto na nakita ko na." sabi niya.

Pero imbis na susi yung makuha ko, box ng chewing gum yung nakuha ko. Strawberry flavored Chewing gum, my favorite! Hehehe.

"Oh? Diba ito yung chewing gum na binili natin kahapon? Pahingi ako ah." sabi ko.

Biglang nanlaki yung mga mata ko ng makita ko na hindi pala  chewing gum yung laman nung box. STRAWBERRY FAVORED CONDOM pala. Nakakaloka! Kahit kailan talaga napaka pervert ng lalakeng to. UNA, KINUHA NIYA YUNG PANTY KO  PANGALAWA, ITONG CONDOM SA BAG NIYA. JUICECOLORED! For sure para to sa mga chix ng mokong na to. Agad kong ibinalik sa bag niya yung condom tapos tinignan ko si ng may blankong reaction sa mukha. Grabe! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng dahil sa nakita ko. Pakiramdam ko umikot yung sikmura ko sa sobrang kaba. Dapat siguro bumili ako ng panty na gawa sa BAKAL. Baka kasi kung anong gawin ng mokong na to saakin. -________-

*MAKALIPAS ANG ILANG ARAW...*

Ilang araw na din pala kami hindi nagkikibuan ng mokong na to ng dahil sa nangyare. AWKWARD KASI EH! Buti nalang hindi kami madalas magkita. Sa sobrang busy niya sa internship niya sa Hospital, umaga na siya dumadating. Everytime na dadating siya, ako naman yung aalis para pumasok sa trabaho. Mas okay na din ang ganitong set-up noh. Kasi sobrang awkward talaga eh. Since dayoff ko naman today, manunuod nalang ako ng horror movie maghapon at buti nalang nagtext si mokong na hindi siya makakauwi ngayon dahil sa sobrang hectic ng schedules niya. Finally! Masosolo ko yung bahay ng walang asungot. Hehehe.

Sa kalagitnaan ng panunuod ko, ng biglang may kumatok ng malakas sa pinto ng apartment namin.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

Nakakainis naman. Istorbo sa panunuod oh. Sino ba kasi yang kumakatok na yan ha? Akala mo naman sisirain na yung pinto sa lakas ng pag katok eh. Bakit? Ngayon niya lang ba na experience yung kumatok? Bakit? Wala bang pinto sa bahay nila? Kaloka!

"SANDALI! ETO NA!" sigaw ko.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng bigla siyang kumatok ulit ng sobrang lakas sa pinto.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"AY BUTIKING BLUE!" gulat na sigaw ko.

Nakakaloka! May lakad ba tong kumakatok na to? Agad kong binuksan ang pinto nang biglang nanlaki yung mga mata ko ng dahil sa nakita ko.

"KENDRIX? ANO YUNG GINAGAWA MO DITO?" Gulat na tanong ko.

Bigla niya akong tinignan ng may blankong reaction sa mukha.

"Bakit parang gulat na gulat ka na makita ako? Tsaka pinagbawal na ba na umuwi ako sa bahay ko?" Sagot niya habang naka kunot ang nuo.

Ngumiti nalang ako at napakamot sa ulo ko.

"Ah.... Hehehe. Hindi naman. Nagulat lang ako na nandito ka. Sabi mo kasi  hindi ka makakauwi ngayon eh. Kaya nagulat ako nung makita kita." Sabi ko.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now