CHAPTER 36: HOTDOG

141 10 0
                                    

ATHENA'S POV

*TIK! TOK! TIK! TOK! TIK!*

Tunog ng orasan ang gumising saakin. Unti unti kong minulat ang mga mata ko ng bigla kong naalala yung nakita ko kagabi.

"Kaloka! Si kendrix ba yung nakita ko kagabi? Pero... Imposible naman na si Kendrix yun noh. Tsaka ano naman ang gagawin niya dito ehh nasa kanya na kaya lahat. Magandang bahay, maraming pera at magandang buhay. Siguro na mimiss ko lang talaga si Kendrix kaya kung saan saan ko nakikita ang mukha niya. Hay ano ba kasi Kendrix! Ano bang ginagawa mo saakin? Bakit nag kakaganito ako ng dahil sayo?! Nababaliw na ba ako? Huhuhu!" sabi ko habang kumakamot sa ulo ko.

Nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"AY BUTIKING BLUE!" Bigla akong napatalon sa kama ko ng dahil sa sobrang gulat. Aatakihin ako sa puso sa gulat. Sino naman kaya ang nagtext saakin ng ganito kaaga ha? NAKAKALOKA!

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nag text saakin. Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko na si Kendrix pala ang nagtext saakin.

("Good morning Athena. Kamusta naman ang tulog? Sana naging maganda ang tulog mo. Kain kana ng breakfast ahh? Wag kang magpapalipas ng gutom. Take care and God bless.") Text ni Kendrix.

Bigla akong napangiti ng dahil sa nabasa ko. SHEEEEET! Ang aga aga naman eh. Ang bilis ng tibok ng puso ko. JUICECOLORED! Ano ba Kendrix? Ano bang meron ka? Bakit sa tuwing naalala kita kinikilig ako. Nakakaloka! Teka makapag reply nga.

"Good morning din Kendrix. Oo, okay naman yung tulog ko. Salamat sa pag aalala. God bless din." Reply ko.

Nakalipas na ang limang minuto, hindi na nag reply si Kendrix. Siguro busy na siya ngayon kaya hindi na siya naka pagreply. Bumangon na ako at naglinis muna sa kwarto ko. Habang nag lilinis sa kwarto ng bigla ulit pumasok ulit sa isip ko yung nakita ko kagabi. Ewan ko ba bakit di maalis sa isip ko yung mokong na yun. Lalo tuloy akong na ku-curious ehh. Lumipas na ang isang oras, pero di parin maalis sa isip ko yung lalake ehh. Isa lang ang paraan para magkaalaman na. Im pretty sure naman na hindi si Kendrix yun ehh. Kaya bakit naman ako kakabahan diba?

Nagmadali akong lumabas sa kwarto ko at bumaba na. Nang makarating na ako sa baba ng makasalubong ko si Tita Alex.

"Oh anak? Gising kana pala! Bakit ba parang sobrang nagmamadali ka ata? May pupuntahan ka ba?" tanong ni Tita Alex.
"Ah, wala po Tita Alex. May tatanong lang sana ako kay Calyx." Palusot ko.
"Ahh ganon ba. Bilisan mo lang ahh, para makapag almusal na tayo." sabi ni Tita Alex.

Hay buti nalang nailusot ko kasi kung hindi ewan ko lang. Hahaha!

"Opo Tita Alex. Promise bibilisan ko!" sabi ko.

Palabas na sana ako ng bigla akong tinawag ni Tita Alex.

"Athena! Sabihan mo din si Calyx na dito ba siya mag almusal ha? Madami naman ako niluto ehh." -Tita Alex.

Hindi na ako sumagot at nagmadaling pumunta sa apartment ni Calyx.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"Tao po?" Sigaw ko habang kumakatok sa pinto ng apartment ni Calyx.

Makalipas ang 5 minutes, wala parin sumasagot. Nakakaloka! Tulog pa ata yung Prince Charming ko. Siguro hinihintay niya ang pagdating ko para ibigay ang TRUE LOVES KISS na galing saakin. CHAROT! HAHAHA!

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon