CHAPTER 76: KWINTAS

115 7 0
                                    

ATHENA'S POV

Nang makita ko yung painting na ginawa ni Kendrix para saakin, bigla akong nakaramdam ng sobrang saya. Kasi naman I really appreciate yung effort na ginawa niya para saakin kahit na alam ko na hindi talaga siya marunong mag drawing. Atleast sinubukan niya diba? Yun lang naman yung importante dun eh. He makes me feel happy everyday. Hanggang sa hindi nalang namin namalayan yung paglipas ng mga oras, hapon na pala. Grabe! Ang bilis talaga ng pagtakbo ng oras lalo na kung sobrang nag eenjoy ka. Hehehe. Habang nag lalakad papunta sa bus stop, nang bigla kong kinausap si Kendrix.

"Ahm...Kendrix thank you for this day ah? Sobrang nag enjoy ako kasi kasama kita." sabi ko.

He look at me and he smile.

"Lahat gagawin ko mapasaya lang kita Athena. Love kita eh." Nakangiting sagot niya.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Ewan ko ba sa mokong nato. Sobrang lakas mag pakilig eh. Nako! Pasalamat siya mahal ko siya kasi kung hindi siguro kanina ko pa to nabatukan. Charot! Hahahaha! Habang nag lalakad kami papauntan sa bus stop nang makaramdam ako ng sakit sa paa. Nag paltos na pala yung paa ko ng dahil sa suot kong sapatos. Nakakaloka! Bakit ngayon pa? Hay ewan! -__________-

Hanggang sa napansin ako ni kendrix na iika-ika sa pag lalakad.

"Okay ka lang ba Athena? Ano masakit sayo?" tanong ni Kendrix.
"Ah oo naman Kendrix. Okay lang ako. Medyo masakit lang yung paa ko." sabi ko.

Biglang nanlaki yung mga mata niya ng marinig niya yung sinabi ko. Pinaupo niya ako sa isang bench malapit sa sidewalk at nagmadaling tinignan yung paa ko.

"Kaya naman pala nahihiran ka sa paglalakad kasi nagpaltos na yung paa mo Athena. Hay nako naman! Hintayin mo ako dito okay? Babalik agad ako." sabi niya habang nag mamadaling tumakbo papaalis.

Saan kaya pupunta yung mokong na yun? Bakit parang sobrang nagmamadali ata siya? Makalipas ang 5 minutes, bumalik na siya na may dalang ointment at bandaid tapos lumapit siya saakin.

"Kendrix wag..."

Hindi ko na natapos yung sinasabi ko ng bigla siyang nag salita.

"Oppps! Athena wag kanang kumontra okay? Hayaan mo na ako na gamutin yang paltos mo para gumaling na. Ayoko kasi na nakikita kang nahihirapan eh. Kaya pwede ba? Wag na matigas yung ulo okay? Para din naman sayo to Athena. Love kasi kita eh." sabi niya sabay tanggal ng sapatos ko.

Bigla akong natameme ng dahil sa mga sinabi niya. Nakakaloka! Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. JUICECOLORED! Parang sasabog na sa sobrang bilis eh.

"Athena lalagyan ko lang ng ointment yung paltos mo ah, medyo mahapdi to ng konti pero wag kang mag alala, hihipan ko para hindi mo maramdaman yung hapdi." sabi niya.

Grabe! Habang nilalagyan niya ng ointment yung paltos sa paa ko at hinihipan ito, hindi ko maiwasang titigan siya. Kaya siguro mahal na mahal ko tong lalakeng to kasi sobrang maalaga siya sa taong importante sakanya kagaya ng ginagawa niya saakin ngayon. Lalo ko tuloy napatunayan na sobrang importante ako sakanya. Hay! Ang swerte swerte ko talaga kasi may boyfriend akong bukod sa gwapo na, maalaga pa. I must say, he will be my first and last man I will love forever. Hehehe.

"Oh ayan, okay na. Mamaya mawawala na yang paltos mo." Nakangiting sabi niya.
"Kasi nga, magaling yung doctor ko eh." Nakangiting sagot ko.

Imbis na sumagot siya, tinitigan niya lang ako habang nakangiti.

"Athena sumakay ka nalang sa likod ko. Bubuhatin nalang kita para hindi kana mahirapan sa paglalakad. Dali!" sabi niya sabay tapik sa likod niya.
"Nako kendrix wag na. Maglalakad nalang ako. Kaya ko naman maglakad eh." sabi ko.
"Eto nanaman tayo. Umandar nanaman yung katigasan ng ulo ng girlfriend ko. Hay! Sige ka pag di ka sumakay sa likod ko magtatampo talaga ako sayo." sabi niya habang nag papacute.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon