CHAPTER 14: REALIZATION

234 14 0
                                    

ANGEL'S POV

Nang makauwi na kami sa bahay, agad akong pumunta sa kwarto ko at nag bihis na. Makalipas ang 15 minutes, bumaba na ako para mag dinner ng biglang narinig ko na may kausap si lolo dad sa phone habang na loud speaker. Nag tago ako sa isang sulok at nakinig muna sa usapan nila. Si mom pala ang tumatawag kay lolo dad.

["Hello dad? Ano na ang balita kay Princess?"]

"Wala parin balita yung imbistigador anak. Pero balitaan kita pag meron na ha. Anyways, kailan kaba uuwi anak." Tanong ni lolo dad.

["Soon dad. I'll just surprise you guys. But for now I have to go dad. May meeting pa ako."]

"Sige anak. Ingat ka nalang. Bye!" sabi ni Lolo dad.

Siya nga pala si Amanda Martinez Howard, my mom. Ang isa sa pinaka mayaman na babae sa buong mundo. May ari ng mga hotels, resorts, airports, malls etc. Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi kami mag ka-apelyido ng mom ko, simply because ampon ako. YES! AMPON AKO. Kilala ako dati sa pangalan na Maria Isabel Montenegro. Pinalitan nila ang pangalan ko sa Angel Heaven Martinez ng dahil daw sa mala anghel na itchura ko. Hindi ko alam kung bakit apelyido ni lolo dad ang ginamit ko. Pero okay na din to kaysa wala.

*FLASHBACK*

Galing ako sa madumi at mabahong lansangan sa Manila. 7 years old lang ako ng mapulot ni mom. Galing talaga ako sa Pangasinan. Namatay kasi ang biological parents ko sa isang bus accident. Papunta kasi kami non sa mall ng mabangga ang bus na sinasakyan namin ng paparating na truck. Ako lang ang himalang nabuhay sa aksidente na yun. Kinupkop at tumira ako sa tita ko sa Pangasinan pero sinasaktan at inaalipin nila ako don. Naisipan kong lumayas at sumakay sa likod ng truck papunta ng manila. Hanggang sa napadpad ako dito. Wala akong kamag anak o kakilala man lang. Natuto akong mangalakal, magnakaw at kumain na pagkain na galing sa basurahan para mawala ang gutom na nararamdaman ko. Or in other words, natuto akong makipag laban at makipagsapalaran sa buhay ng mag isa. Hanggang sa isang araw nakita ako ni mom habang kumakain ng pagkain na galing sa basurahan.

"Bata madumi yan. Wag kang kumain ng pagkain na galing sa basurahan." sabi ni mom.

Inabutan niya ako ng malinis na pagkain. Hindi ko man siya totally kakilala pero binigyan niya ako ng makakain at maayos na damit. Ayoko ko na maranasan ang magutom, hindi maligo, at mag palaboy-laboy kung saan saan. Gumawa ako ng paraan para ampunin niya ako. Araw araw ko siyang hinintay sa lansangan. Nag pabibo ako. Nag pacute ako. Hindi ako tumigil hanggang sa inapon  niya na ako bilang pamalit sa nawawala niyang anak na si Princess Katelyn Howard. Mahal na mahal siya ni mom. 3 years old lang siya ng nawala. Sabi ng mga pulis na baka daw patay na si Ate Princess but still hindi naniwala si mom. Until now hinahanap parin siya ni mom. Lahat ng attention niya na kay Ate Princess na lahat. Kahit anong gawin kong pag pagpapapansin. Still mas mahal niya si Ate Princess. Ako yung nandito pero mas pinili niya paring mahalin yung taong matagal ng patay. Kung sakali man na bumalik pa si Ate Princess one day, hindi ako papayag na agawin niya ang spot ko sa bahay na to. AKO LANG ANG PRINSESA NG BAHAY NA TO. AKO LANG!

*END OF FLASHBACK*

"Si mom ba ang kausap mo lolo dad?" tanong ko.
"Oo apo." Sagot ni lolo dad.
"What did she say? For sure si Ate Princess nanaman ang topic niya. Tama ba ako lolo dad?" sabi ko.

Hindi sumagot si Lolo dad sa tanong ko.

"I knew it! Kailan naman nag karoon ng pakialam si mom saakin. Kailan naman KAYO nag karoon ng pakialam saakin. Nabalian na ako't lahat lahat but still parang wala kayong pakialam saakin. Puro nalang kayo Princess! Princess! Princess! Bakit ba kasi umaasa pa kayo na babalik siya? Eh matagal na siyang patay diba? Ako yung nandito oh. Pero puro si Ate Princess lang ang mahalaga sainyo! Mga wala kayong kwenta!" sabi ko.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now